Dinner Date sa Seaside, Macapagal Blvd.

Tuwing napapadaan ang pampasaherong jeep na sinasakyan namin ng honey ko (pinaka mamahal kong girlfriend matagal na. Mahigit tatlong taon na kami. Huwag kang mag-alala, lagi ko siyang makukuwento sayo. Sa iba ko pang mga post.) papuntang MOA (Mall of Asia) galing Makati. Hindi namin maiiwasang makita o mapansin ang isa sa pinakasikat na lugar kung saan pwede kang pumili ng seafood na gusto mo, at saka mo sia ipaluto depende sa menu na pipiliin mo. Ayun ay ang SEASIDE, MACAPAGAL BLVD.

SEASIDE, Lota Taba & Lolo Pato, Seafood Paluto Restaurants
SEASIDE, Lota Taba & Lolo Pato, Seafood Paluto Restaurants

Matagal ko ng gustong pumunta doon at makakain dahil sabi sakin ng honey ko, masarap daw dun. Nakakakain na kasi siya don. Matagal na rin. Kasama niya mga pinsan niya yata. Hindi ko masiadong natandaan kung sino ung mga kasama pa niya. Basta isa sa mga kasama niya ay pinsan niya. Dahil sa mga salitang nakakaanyaya na galing sa kaniya. Napaisip ako, at sinabi ko sa kaniya. “Sige hon, next time, kain tayo jan ah!”.

Hindi nagtagal, last April, 16, 2014, nagkayayaan kami ng honey ko, pumunta sa MOA, para mamasyal, nagsasawa na kasi kami sa isa sa Mall sa Makati, na tabi lang ng aming pinagtatrabahuhan, na halos alam na namin bawat tinda sa sulok ng Mall na iyon. Kaya pumayag ako at sinabi kong, “Sige, MOA nalang, marami naman kainan doon eh. Masasarap pa!”. Naglakad na kami. Masuerte ka na kung makasakay ka na agad sa kadahilanang rush hour nong oras na iun. Mabuti nalang, kami’y nakasakay sa isang bus na di naman nila ruta ang papuntang sakayan pa MOA pero dumadaan sila doon. Kaya’t sila nalang nag-offer ng libreng sakay. Sa wakas, sa iniisip kong 30-45minutes na paglalakad dahil mabigat ang traffic. Siguro magiging 10-15mins nalang ang itatagal ng byahe mo pag nakasakay ka ng bus. Salamat sa bus na iyon. Hindi na nga kami pinagbayad, may libreng pag-connect ka pa sa WI-FI nila. Napabilis na ang travel time mo, convenient ka pa habang nakasakay ka.  Saan ka pa. sa DLTB Bus ka na. Salamat sa DLTB Bus.

Pagkababa namin ng honey ko sa bus, derecho na kami sa jeep papuntang MOA. Pagpara. Umupo. Nagbayad. At biglang napag-isip. (Saan kaya kami kakain ng dinner sa MOA?). Biglang pumasok sa isip ko, ang pagpunta sa may Seaside. Matry nga ngayon. Buo ang loob kong pumara sa jeep na sinasakyan namin pa MOA dahil gusto ko ngang i-try yung kumain sa may Seaside. Isa pa, hilig ko rin naman kumain ng seafoods eh. Kaya’t dali dali kaming bumaba at naglakad papunta sa loob ng Seaside. Hindi ko alam kung anong meron sa loob. Si honey ko ang nag-guide sakin papunta doon.

Prutasan, Kambal Fruit Stand
Prutasan, Kambal Fruit Stand

Pumasok kami sa isang kanto paglagpas ng prutasan. Basa ang semento. Iba’t ibang mga sea creatures ang makikita mo doon. Iba’t ibang klase ng isda, hipon, tahong, alimasag, lobsters at marami pang iba. Naaalala ko kapag nakakakita ako ng mga seafood na un, lalo nat buhay at gumagalaw, ay yung mga isda at mga sea creatures na makikita mo sa Manila Ocean Park. Ayon yung mga naaalala ko. Sabay sabay na nagsasalita ang mga tindera at tindero. Na parang nagpapataaasan ng boses makakuha lang ng maraming customers o mamimili ng kanilang tinda. Walang saysay ang mga tawad at offer nila sa amin dahil di pa namin alam ang bibilin namin.

Nang nakalabas na kami sa lugar na yon, narinig ko na ang tyan ko. Nagsalita na. Gutom na ako. At panigurado, gutom na rin ang honey ko. Kaya’t minabuti namin, na maghanap na ng makakainan. Sa kabutihang palad, naalala pa ng honey ko kung saan sila kumain kasama ang pinsan niya. Hindi na kami nagtagal mag libot, napagdesisyonan na namin na pumili ng makakainan. Ang napili namin ay ang Cuzina Seafood Haus. Dahil iyon ang resto na pinagkainan din nila dati, ayon na din ang pinili namin. Isa din siguro sa dahilan, ay nagugutom na kami. Habang tumatagal ang aming pamimili, lalong lumalalim na ang gabi.

Nakaupo na kami sa loob ng resto na iyon. Binigyan ng menu. Namili. Tinanong sa nag aassist samin, kung ano ang kanilang specialty. Dahil sabi nga ni Drew Arellano na host ng Byahe ni DrewKapag pupunta sa isang resto, o kahit saang lugar, Always ask for their specialty“. Sinabi samin ang specialty nila. Pumili na kami. Ang inorder namin ay 1/2 Hipon na ang luto ay sweet and spicy (Eto daw ang kanilang specialty) at 1/2 kilo ng Lapu-Lapu para sa Sinigang sa Miso. Gusto ko ng mahihigop na mainit na sabaw noong oras na iyon. Kaya, iyon ang isa sa mga inorder namin. Ok. Solve na un siguro sa aming pag-tatantya. Sobra pa nga ata para sa dalawa.

Habang naghihintay ng aming order, ang Cuzina Seafood Haus ay mayroong tv. At dahil sa tv,  hindi kami naiinip habang naghihintay. Matapos ang ilang oras. Hindi naman oras. Minuto lang pala. Naihain na ang inorder naming pagkain.

Sinigang sa Miso na Lapu-lapu
Sinigang sa Miso na Lapu-lapu
Sinigang sa Miso sa Lapu-lapu served in a bowl
Sinigang sa Miso sa Lapu-lapu served in a bowl

Unang paghigop ko palang ng Sinigang sa Miso na Lapu-lapu, hindi ko na mapigilan ang sarili ko, sa kakahigop. Ang saaaaraaapp ng kanilang luto nito!. Hindi ko sia makakalimutan kung gaano siya kasarap. You must try it too! Kaya’t halos ayaw kong matigilan itong higupin, di ko siguro mabilang kung nakailang bowl na ako ng Sinigang.

Sweet and Chili Shrimp
Sweet and Chili Shrimp

Matapos naming matikman ang Sinigang sa Miso na Lapu-lapu. Dumerecho naman naming tikman ang Sweet and Spicy Shrimp nila. Masarap din siya. Hindi dahil sa gutom kami noong mga oras na iyon ah. Kundi dahil, sadyang masarap ang pagkakatimpla ng sauce nia, tamang tama din ang luto ng hipon na iyon. Nanunuot ang lasa ng sauce sa hipon. Nyaman! Burp. It is also a MUST-TRY menu nila!

Habang lumalamon na kami ng honey ko,  may lumapit na naghaharana. Dalawang lalakeng may dalang gitara. May gulang na sila kung titignan ang kanilang itsura at pananamit. At sa mga tipo ng kanilang mga awitin. Hindi kami nabigla ng honey ko, dahil sa pagpasok palang namin, nakita na namin sila naghaharana sa bawat lamesa sa loob ng resto na ito. Kaya’t di na kami magtataka kung lalapit sila samin.

Bago sila kumanta, sila’y nagtanong kung ano bang theme song namin. Hindi kami umimik. Bagkus, sila’y biglang nakaisip ng kanta at sinabing “Gagawan nalang namin kayo ng bagong theme song niyo.”Nagpatugtog na sila gamit ang knilang mga gitara. Habang kumakanta ng “Naaalala Ka” ni Rey Valera. Hindi version ng Shamrock. Kaya’t ako’y nanghinayang. Pero sa kabuuhan, natapos nila ang kanta ng may maganda kaming musika na napakinggan habang kumakain. Hindi pa natapos don sa isang kanta na iyon. Kinanta pa nila ang “Buko” ni Jireh Lim. Sa wakas, nakarinig narin ako ng mejo latest na kanta galing sa kanila. Sa nakiktia ko naman sa kanila, marami na silang alam na kanta. Mapa-luma man ito o bago. Kahit siguro Justin Bieber or Miley Cyrus siguro alam nila kantahin eh.

Natapos na ang harana, pero nagtataka parin ako , kung bakit “Naalala Ka” ni Rey Valera ang unang theme song na kinanta nila para samin. Siguro nga dahil ayun ung mga usong kanta noon noong kapanahunan nila. Pero, sa overall na performance nila, maganda ang blending  ng mga boses nila bagay na bagay sa mga kanta nila, kaya’t nagbigay kami ng konting pakonsuelo para sa kanila.

1613911_10203036641229801_341427714658695197_n

Budget: 

  • Sweet and Chili Shrimp: Php 325.00 (1/2 Kilo of Shrimp) + Php 140.00 Paluto Charge = Php 465.00
  • Sinigang sa Miso na Lapu-lapu: Php 275.00 (1/2 Kilo of Lapu-lapu) + Php 140.00 Paluto Charge = Php 415.00
  • I bowl of Steam Rice = Php 120.00
  • Tip for Naghaharana = Php ******

Natapos na kaming kumain. Nagbayad na rin. Saaaraaap! Nabusog kami.

Sweet Tamarind (Sampaloc Candy) - Paborito ng honey ko.
Sweet Tamarind (Sampaloc Candy)

Tumayo at naglakad lakad na muna kami. At napabili pa ang honey ko ng paborito niang Sampalok candy. Sa halagang Php 60.00, nakabili na siya ng paborito niyang Sampalok.

Isa na naman sa nakakabusog at memorable experience ang nangyari samin ng honey ko. Masarap na. Affordable pa. Paniguradong kami ay babalik muli at titikman ang iba’t ibang luto ng mga seafood nila.

Advertisements

2 thoughts on “Dinner Date sa Seaside, Macapagal Blvd.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s