Aming Unang Takbo

“It’s more fun to run with my hon!” – ARELBERG

Last April 27, 2014, naging bahagi kami ng honey ko sa isang matagumpay at napakasayang FUN RUN EVENT na layunin na tumulong para sa mga nangangailangan na mga bata at mga kabataan, kahit na ano pa ang kanilang nasyonalidad, kulay ng kanilang balat, status sa buhay, o relihiyon. Ang FUN RUN na ito ay “Takbo Mo, Buhay Ko Charity Fun Run” na ginanap noong nakaraang linggo, alas singko ng umaga nang April 27, 2014 sa Liwasang Ullalim CCP Complex Pasay City. Ito ay para sa mga naging biktima ng Bagyong Yolanda sa Hilagang Bahagi ng Iloilo.

Hon, Ready, Start!
Hon, Ready, Start!
Readddyy? Start!!!!!
Readddyy? Start!!!!!

Ito ang unang pagsali namin ng honey ko sa isang FUN RUN EVENT. Isa sa maraming dahilan kung bakit gusto namin tumakbo, bukod sa makatulong kami sa mga nangangailangan, ay ang pagkakaroon namin ng bonding sa isa’t isa. Marami kaming mga bagay na gustong subukan na magkasama sa unang pagkakataon, isa na roon ay ang pagsali sa isang FUN RUN EVENT. Kaya’t gumawa ako ng paraan to make it all possible. Hindi naman mahirap maghanap ng mga FUN RUN events ngayon lalo na’t halos nasa internet na lahat ng gusto mong malaman. Kaya’t nag-research ako ng FUN RUN events na pwedeng salihan sa buwan ng Abril. Dito sa link na ito ako namimili ng mga pwedeng salihan na FUN RUN.  

http://www.pinoyfitness.com/#axzz30QcOzk3s 

Mas nag focus ako hanapin na lugar yung malapit lang sa Maynila. Para mas convenient and madaling puntahan. Hindi din nagtagal, nakapili na rin kami ng sasalihan.

Finally, nakapili na kami ng honey ko, napagdesisyunan na naming dalawa kung san kami sasali. eto na nga ang “Takbo Mo, Buhay Ko Charity Fun Run”.  Hindi rin naman malayo para sa amin ang registration site dahil sa Mizuno, MOA kami nag paregister. Dalawang sakay lang mula sa aming pinagtatrabahuhan. 2K, 3K, 5K, and 10K ang mga pwede naming pagpilian. Dahil, kami’y first-time runner palang ang unang pinili namin ay 2K. Pero nang nalaman namin na ang 2K ay isa palang 2K walk. Lakad lang. Nagbago ang isip namin. Ginawa naming 3K. Buti na lang pwede pang palitan. Kayat napalitan namin agad ito.

Dumating na ang araw ng event, 100% prepared na kami sa mga gamit, damit, iba pang mga kailangan na gagamitin sa pag takbo namin. Excited na kami. Pero sabi nga nila, “There’s no such thing as a PERFECT situation”.  Nalate kami. Hindi namin naumpisahan ang program. Hindi namin, narinig ang gunshot ng 6:00AM. Dahil hindi kami agad nakahanap ng sasakyan papuntang CCP. Nakakalungkot pero dahil first-time runner kami sa bagay na ito, hindi mo din kami masisisi kasi marami pa kaming di alam.  Hindi naman kami late na late, ilang minuto lamang ang aming hinuli. Kaya’t pagdating namin, sa mismong CCP Complex,  nagsuot na kami ng damit at kinabit na ang aming racebib.

My Honey while she's running.
My Honey while she’s running. Thank you “We Run for Good Health” sa magandang kuha niyo samin! 😀
That's me! While running!
That’s me! While running! Thank you “We Run for Good Health” sa magandang kuha niyo samin! 😀

Nagsimula na kaming tumakbo. Takbo. Takbo. Takbo. Hayyy! Hingal. Inom ng tubig. Takbo. Pahinga. Inom ulit ng tubig. Ngingiti pag mayroong mag-kukuha ng litrato. Takbo ulit. Eto na ang pagtakbo na hinihintay namin ng honey ko. Makatakbo nang magkasama. Isa sa di ko malilimutan sa EVENT na ito ay ang pagtakbo namin ng sabay. Natutuwa nga ako pag naalala ko yung pagtakbo namin na iyon eh. Tapos biglang sabi ng isa samin. “Hon, may camera NGITI ka!”. Sabay ngiti naman kami. Eheh! Siguro mga tatlo o apat ang mga nakita kong kumuha sa amin ng litrato sa buong event na iyon. Inenjoy namin ng honey ko ang bawat oras na kami ay tumatakbo. Natutuwa parin ako hanggang ngayon. Habang sinusulat ko to. Hanggang sa makarating na kami sa FINISH LINE at sabitan na kami ng medalya!

My honey after receiving her medal for completing the 3K run.
My honey after receiving her medal for completing the 3K run.
Me after receiving my medal for completing the 3K run.
Me after receiving my medal for completing the 3K run.

Yesss! Congratulations sa amin ng honey ko! Natapos namin ang 3K Category Run, kahit nalate o di namin na umpisahan ang program. Atleast, nag-enjoy at naranasan namin sa unang pagkakataon ang pagtakbo ng sabay. Yun naman ang importante don eh.

Sa kabuuhan ng aming experience, kami’y sobrang nag-enjoy. Daming mga sponsors na kung ano-anong giveaways ang ibinibigay,  may pa-raffle pa sila, na kahit isa samin ng honey ko hindi natawag. HAHA! May mga nakilahok ding mga artista tulad nina, Diana Zubiri, Andrew Smith, Roxanne Barcelo, Will Devaughn and Eruption ng Showtime. Hindi kami nag pahuli nagpapicture kami ng honey ko sa knila. Nakita ko pa ang dati kong katrabaho na si Ivann at ang kaniyang girlfriend na hilig din nila ang pagtakbo. Kaya’t hindi rin impossible na sa susunod naming pagtakbo ay kasama namin sila.

My honey and I with Eruption!
My honey and I with Eruption!
with Andrew Smith
with Andrew Smith
My honey with Will Devaughn.
My honey with Will Devaughn.
with Roxanne Barcelo
with Roxanne Barcelo
My honey with Ms. Roxanne Barcelo.
My honey with Ms. Roxanne Barcelo.
My honey and I with Ivann and his girlfriend, Joy.
My honey and I with Ivann and his girlfriend, Joy.

Marami pa kaming sasalihan na FUN RUN EVENTS. Ito pa lamang ang simula ng marami pa naming pagtakbo.  :))) Kayo rin sana, pumili narin kayo na pwede niong salihan na FUN RUN. Maganda na sa kalusugan at enjoy pa lalo na’t kasama ang mahal mo sa buhay tumakbo. At makakatulong ka pa sa mga nangangailangan.

Tara! Takbo tayo ulit!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s