My Speech for SJBES Graduates

“SUCCESS OF A PERSON IS NOT ONLY BY CHANCE, BUT A MATTER OF A CHOICE” – Rosemarie Latap Reyes

Last March 25, 2014, naging representative ako ng aking Tito na si Tito Artemio R. Bergonia bilang Guest Speaker sa San Juan Baño Elementary School (SJBES).

Ito ay isa sa mga experiences ko na hinding hindi ko malilimutan. Ito ay ang magsalita sa mga nagsisipagtapos na mga estudyante at humarap sa maraming tao. Pangalawang beses ko na itong pagsasalita sa maraming tao. Una ay noong nagtapos ako bilang Cum Laude, nagbigay ako ng Speech of Gratitude, sa aking paaralan noong College ako sa AMA Computer College Las Piñas (Isang buong magdamag lang ang preparation sa aking speech dahil isang araw lang bago ko nalaman na kailangan ko palang magsalita). At ito ang pangalawa ( Umabot ng buong araw hanggang magdamag ang pag-gawa ko ng speech). At kung bibigyan ng pagkakataon sana may susunod pa akong speech na gagawin. EHEHE 🙂

Dahil kung tutuusin, hindi talaga madaling maghanda ng isang speech para sa maraming tao kaya bago pa man dumating ang araw na ito, puspusan at sobra kong pinagtuunan ng pansin ang pag-gawa ng aking speech. Mahirap para sakin makagawa ng speech dahil unang-una, hindi ko buhay ang ikukuwento ko, kuento ng buhay ng aking tito ang aking ikukuwento, ikukuento ko kung paano siya nakarating sa kaniyang kinatatayuan ngayon at kung paano siya naging isang successful na tao. Pangalawa, hindi ko naman forte ang pag-gawa o pagsulat ng speech. Dahil di naman ako madalas nagsusulat. Kayat minabuti kong bigyan ng oras ang pag-gawa ng speech hanggang sa ito’y matapos.

This is the full text of the speech I gave for the graduates of San Juan Baño Elementary School.


 

“Magandang Hapon po sa inyong lahat! Maraming Salamat sa napakagandang pagpapakilala para sa ating panauhing pandangal na si Artemio Bergonia.

Mainit na pagbati sa lahat ng ating mga magsisipagtapos, at sa lahat ng tagapamahala at kawani ng paaralan ng San Juan Baño Elementary School, at sa ating School Principal, Mrs. Eloida Labrador, mga guro, at mga magulang na tumulong at patuloy na gumagabay sa ating kabataan para makarating sila sa mahalagang puntong ito ng kanilang buhay ngayon.

Palakpakan ninyo po ang inyong mga sarili sa isang matagumpay na taon! Huwag po kayong mag-alala at maaga kayong makapag diwang dahil magiging maikli lamang ang speech na ito.

Una sa lahat, maraming salamat po sa pag-anyaya sa kay Artemio R. Bergonia, ngayong hapon bilang inyong panauhing pandangal. Ako po ay kaniyang inatasan para maging kinatawan sa espesyal na araw na ito. I know that It’s very special for all the graduates, for their proud parents and their grandparents, and for their very relieved teachers.

Nais ko lamang pong ipakilala ng kaunti ang aking sarili, Ako po si Are Lorenz Bergonia, isang proud na pamangkin ng ating panauhing pandangal. Nakapagtapos ng kursong Bachelor of Science in Information Technology sa paaralan ng AMA Computer College Las Piñas noong nakaraang taon. And currently working as Web Designer/Front-End Developer at Falcontek Corp. in Makati.

Bilang kinatawan ng inyong panauhing pandangal, Ako’y nagpapasalamat, dahil Hindi po ako makakarating at makakatuntong sa magarang entabladong ito kung di po dahil sa kaniya. Wala pang isang taon simula noong ako’y nagtapos sa kolehiyo at magbigay ng talumpati ng pasasalamat sa aking mga kapwa ko kamag-aral. At ang magsalita sa harap ninyo ngayong hapon ay isang malaking karangalan. Ipinaaalala ng pagkakataong ito ang dahilan kung bakit tinatamasa ng aking tito ang anumang tagumpay na mayroon siya. Sa kadahilanang tinuklas at hinasa ng SAN JUAN BAÑO ELEMENTARY SCHOOL ang kaniyang husay at galing. At tulad ninyo, umaakyat din ang ating panauhing pandangal sa magarang entabladong ito noon upang anihin ang mga medalyang pinagsikapang makamit niya sa bawat taon.

Malaking responsibilidad ang naiatang sa akin ngayon bilang kinatawan ng ating panauhing pandangal ngayong hapon. Tindig ng katawan at taas noo kong maipagmamalaki ang tumuntong sa entabladong ito para ihayag ang mga tagumpay na mayroon ang aking tito. Ninais kong alalahanin ang mensahe noon ng aming Guest Speaker upang magkaroon ako ng ideya kung ano nga ba ang aking sasabihin at ang mga aral na aking maibabahagi para sa inyo; sinubukan kong magnilay-nilay sa kanyang mga sinabi sa amin pero wala na akong maalala ni isang salita. Ayokong mangyaring isang araw ay di niyo na maalala ang aking mga sasabihin kaya gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makapagbigay ako ng inspirasyon sa inyong lahat, nang sa gayon ay tumanim sa inyong mga isipan ang mga aral na nais kong maibahagi sa inyong Pagtatapos.

Inatasan akong ipakilala at ihayag ang mga pinagdaanan niya sa buhay upang malaman kung paano siya nag tagumpay ngayon at kung ano ang mga inspirasyon niya sa buhay. Sino nga ba si ARTEMIO R. BERGONIA? Sino ba siya bilang ANAK, KAPATID, at TITO?

Bata pa lamang si tito, nakikitaan na siya ng kaniyang mga magulang ng angking kasipagan at katalinuhan. Nagkamit siya ng mga espesyal na parangal sa paaralan na ito. Lagi siyang angat sa kaniyang mga kamag-aral. Mahirap man ang buhay noon, hindi naging hadlang ang kahirapan sa kaniya. Tumutulong si tito sa kaniyang mga magulang para makaipon upang makapagdagdag siya sa matrikula niya sa eskwelahan. Kahit na hindi malaki ang kaniyang baon habang siya’y nag-aaral at hindi ganon kaginhawa ang buhay ng pamilya niya dahil kulang ang kanilang pinansyal na pangangailangan, hindi parin siya tumigil mangarap. Bagkus, nagsilbi pa rin itong inspirasyon sa kaniya upang makapag-aral ng mabuti at makapagtapos na may uwing medalya sa paaralan na ito.

Naging isang mabuting kapatid, tito, lolo at higit sa lahat, ANAK, ang ating butihing panauhing pandangal dahil sa walang sawang pag tulong sa kaniyang mga kamag-anak. Simula ng nakapagtapos sia ng high school, at pinalad na makapasok bilang isang Casino Dealer sa PAGCOR at the age of 18, siya na ang nag silbing bread winner ng kaniyang pamilya, nakapag impok ng pera para sa mga gamit sa bahay, nakapag-paaral ng kapatid at mga pamangkin, nakabili ng mga pangarap niyang mga gamit, nakapunta sa kaniyang mga pangarap na bansa tulad ng Hong Kong, China, Singapore, Australia, at United Kingdom.

Hindi naging madali para sa kaniya maabot ang kaniyang mga pangarap Ngunit dahil sa kaniyang DEDICATION, DETERMINATION, DISCIPLINE, at LOVE sa kaniyang trabaho at sa kaniyang pamilya, naabot at nakamtan niya ang lahat ng mga ito.

Gusto rin ng tito ko pasalamatan ang kaniyang butihin at mapagmahal na ina, na Si Purificacion Ramos Bergonia, kung di dahil sa mga suporta at pagmamahal niya ay hindi niya makakamtan lahat ng mga ito. Since day 1 mula ng kaniyang pagkasilang hanggang sa kasalukuyan, siya ang naging inspirasyon ng ating Panauhing pandangal. Salamat sa iyo NAY!

Life has given him much more than he deserved. So this is the perfect time para pasalamatan ng aking tito ang ating Poong Maykapal na umalalay at gumabay sa sa kaniya sa pag abot ng kaniyang mga pangarap. Wala siya sa kinatatayuan niya ngayon, kung hindi dahil sa kaniya.  Siya ang nagbigay ng katatagan at kakayahan sa kaniya. Siya ang nagpamulat sa kaniya ng lahat. At ngayon, ginagawa niya paring sandata ang Poong Maykapal sa lahat ng pag subok na kaniyang haharapin.

Kukunin ko narin ang pagkakataon na ito, upang siya ay pasalamatan. Dahil sa walang sawang pag-papaaral sakin mula nung akoy nag simulang mag-aral nong high school, hanggang sa ako’y nakapagtapos. Utang na loob ko ang lahat ng iyon para sa kaniya. Nagbibigay siya sakin ng inspirasyon para lalo ko pang mapag igihan ang aking pagaaral noon. Sa panahon ngayon, hindi lahat ng tao nakakapagtapos ng kolehiyo, mapalad ako dahil may tumulong na magpaaral sakin. Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng tulong niya sakin hanggang sa makapagtapos ako ng kolehiyo. Saludo ako sayo tito! Patuloy mo lamang ang maganda mong nasimulan! Pwede po ba natin siyang PALAKPAKAN? Maraming Salamat!

Ang ating tema ngayong taon sa lahat ng nagtatapos ay “HINDI NATITINAG ANG PUSONG PILIPINO”

Sa gitna ng maraming pagsubok na ating hinaharap, hindi maiiwasan ng iba na isiping sumuko na lamang. Subalit sadyang matibay ang pusong Pilipino—hindi nagpapatinag sa kahit anong pagsubok—dahil sa oras ng karimlan ay nakakakita pa rin tayo ng sinag ng pag-asa mula sa pagtitiwala at kasiyahan na ibinabahagi natin sa isa’t isa. Sa mga ganitong panahon, maaaring tayo ay nagalusan ngunit hindi kailanman nagpatalo.

Ang diwa ng pagtutulungan ay likas na sa bawat Pilipino noon pa man lalo na sa oras ng pangangailangan. Kaya naman sa oras na muling hinahamon ang ating bayan, nagbibigay pag-asa at inspirasyon ang kapwa nating mga Pilipino. Kung wala tayong pagtutulungan,‘di natin magagawang bumangon ulit. Kaya’t kahit na mayroon pang mga hamon at dagdagan pa ng pagsubok kung nag kakaisa tayo, hindi matitinag ang pagiging matibay ng pusong Pilipino. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng liwanag sa bawat isa sa oras ng kadiliman, napatunayan natin na anumang hamon ang dumating ay ating kakayanin. Yan ang Pusong Pilipino! Yan ang Pinoy!

Mga magsisipagtapos, ako ay umaasa na ang temang “Hindi Natitinag ang Pusong Pilipino” ay tumatak sa inyong kaisipan at magbigay ng inspirasyon para makamit n’yo ang inyong naisin sa kabila ng mga hamon na darating—hindi lamang para sa sarili kundi para sa kapwa, at higit sa lahat para sa bayan.

Sa kahirapan na nararanasan natin ngayon, malaking tulong ang edukasyon. Mga minamahal naming mag-aaral na magsisipagtapos ngayon, ito ang ang inyong pag-asa upang sa susunod na panahon hindi na tayo makakaranas pa ng kahirapan. Dahil sa karunungan at abilidad na hatid ng Edukasyon kayo ay magkakaroon ng mabuting kinabukasan. Always remember that Education is dignity, your assurance to have a progressive life. This is your investment to achieve prosperity.

On the other hand, my dear graduates, you should not forget that today is not merely an end yet a beginning. As you end up your elementary education, you have been proved with knowledge and wisdom; however it does not end up with that. More changes towards the betterment of your lives are offered by it. If you will continue striving, more knowledge and skills will be acquired by you. Marami pang pagbabago ang darating sa buhay ninyo kung inyong ipagpapatuloy ang pagpupursigi sa pag-aaral. Ngayon ang umpisa ng mas marami pang pagbabago sa buhay ninyo. Kaya nga’t marapat lamang na huwag kayong tumigil sa pagtanggap ng karunungan dahil maraming kaginhawaan at mabuting dulot nito sainyo. After a couple of months, you’ll be entering the secondary education. During these times you will be acquiring more wisdom and you will also encounter new challenges .That’s why you should make it well. This will be your preparation to your tertiary education. (Eto na ung papasok na kayo sa kolehiyo)

There are great things coming, and just as your parents are proud, each one of you should feel proud of yourself.

So congratulations to all of the graduates, congratulations to the parents, and finally, congrats to the teachers and everyone else who helped our graduates reach here today.

Bago ko po tapusin ang aking talumpati, nais ko pong mag iwan sa inyo ng isang kasabihan.

“The success of a person is not only by chance, but a matter of your choice”. Ang ibig pong sabihin, ang tagumpay ng isang tao ay hindi kusang dumarating, kung hindi, ito ay pinagdedesisyunan mong gawin at pinagsisikapan upang ito ay makamtan.

Muli, binabati ko ang mga magsisipagtapos. Hangad ko ang inyong tagumpay.

Mabuhay ang lahing Pilipino! Mabuhay kayong lahat!


 

Here’s my video of my speech for all the graduates of San Juan Baño Elementary School Batch 2014!

I would like to thank Tito Artem for giving me an opportunity to share his life story and to give his words of wisdom to all the GRADUATES.

This is my once in a lifetime experience. Mukhang matagal pa bago ulit mangyari lahat ng ito na makapagsalita ulit sa harap ng mga GRADUATES.

“Mahirap talagang magsalita sa harap ng MARAMING TAO! Di maiiwasang magkaMALI! 😐 “ – arelberg (FB ACCOUNT)

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s