We Love EK

Last August 10, 2014, Nag-celebrate kami ng honey ko ng aming 4th anniversary sa best amusement park na makikita sa Pilipinas. Ito ay ang Enchanted Kingdom. Sulit na sulit ang aming pag punta dito dahil mula umaga hanggang gabi, para kaming mga batang binigyan ng malalaking laruan na sobrang tuwang-tuwa.

I just wanna share to you kung ano man ang aming naging experience sa pagpunta namin sa EK. 😀 

Before we decided to go to Enchanted Kingdom, we conducted some researches kung pano mag-commute papunta duon. Mahirap na baka maligaw. Sa ngayon, malaking tulong narin ang internet para maging informed tayo sa mga kailangan natin malaman kung saan natin balak mamasyal.

Dahil wala kaming kotse, commute lang kami. We started to commute at around 9:30 AM galing sa Manila, nakarating kami sa Buendia, JAC Liner Inc. Bus Terminal at 10:10 AM. Pagdating namin, nakasakay na kami agad ng bus  na may sign board na Balibago. Hindi pa agad umalis, naghihintay pa ng mga pasahero. It was 10:25 AM nang naka-alis na ang bus na sinasakyan namin. Mabilis lang ang byahe, no heavy traffic along the way going to Walter Mart Sta. Rosa. Nakababa na kami ng Walter Mart Sta. Rosa at 10:50 AM. Sumakay kami ng tricycle diretso ng EK. At nakarating kami ng 11:10 AM sa mismong EK. Kung bibilangin, almost 1 and half hour lang ang aming byahe from Manila to Enchanted Kingdom. Sinadya naming umaga pumunta dahil para masulit ang buong araw na pamamasyal, pagsakay sa mga rides, at pag kuha ng mga hindi malilimutang mga litrato.

IMG_8778_EK          IMG_8776_EK           IMG_8777_EK

IMG_8782_EK        IMG_8773_EK

Ikatlong beses ko na itong pagpunta sa EK, kayat di na iba sakin ang experience dito, pero ang honey ko, first time niyang makarating dito. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit namin napiling pumunta dito para ma-experience niya for the first time ang mga rides and makarating dito.

Pagpasok namin sa loob ng EK, una naming sinakyan na ride ay ang Flying Fiesta. Eto yung ride na nakakapagpa relax, kasi nakaupo ka lang at hahayaan mo lang na ang hangin ay pumunta sa sayo. Isa narin tong way para matuyo ang ano mang basa sa iyong katawan dahil sa init.

Selfie muna bago magsimula ang ride! :D
Selfie muna bago magsimula ang ride! 😀
My honey and I at Flying Fiesta Ride
Siksikan kami sa dalawahan na upuan sa Flying Fiesta.

Sinunod namin pinuntahan ay ang Rialto. Dito, first time kong pumasok sa loob, kasi dati, di na kami nakakapasok sa loob nito sa kadahilanang mahaba ang pila. Kaya ako rin na-amaze sa feeling ng 3D Ride sa loob ng Rialto. Ang palabas noon ay ang Ice Age : Dawn of the Dinosaurs. The 3D Ride. Sa loob ng ride na un, siguro halos lahat ng sinasabi namin ay “Wowwww, Woowwww, Woowwww” dahil sa nakakatuwa yung palabas and at the same time, nararamdaman mo ung galaw ng nasa palabas na pinapanood mo dahil ung upuan mo, inaangat, binababa, ginigilid, nililiyad, inaangat ulit, binababa ulit, pero ang maganda dito sinasabay yung galaw sa kung ano mang motion ang meron sa mga characters na pinapanood mo. Astiiiig!

IMG_8796_EK          IMG_8797_EK          IMG_8798_EK IMG_8801_EK          IMG_8799_EK          IMG_8789_EK IMG_8788_EK          IMG_8806_EK          IMG_8805_EK IMG_8809_EK        IMG_8807_EK

After ng konting lakad lakad pag tapos namin sa Rialto, sinunod naman namin ang Jungle Log. Eto ung ride na habang wala ka pa sa pababang part, kakabahan ka na eh, kasi alam mo na mataas ang pagbababaan mo. Eto rin ung ride na alam mong mababasa ka kahit anong mangyari, pero hindi ito tulad ng Rio Grande na talagang buong damit mo mababasa kasama narin ang mga gadgets mo. Kaya payo ko sa inyo, i-secure lahat ng mga gamit specifically mga gadgets na pwedeng masira pag nabasa sa ride na ito. Pero sa experience namin na ito, masasabi kong nag-enjoy kami dito. Kahit na nabasa narin ng kaunti ang mga damit namin at halos maiwan ang mga puso namin sa itaas ng ride na ito. Woooh! Isigaw mo lang. Ayos na.

IMG_8815_EK        IMG_8814_EK IMG_8819_EK          IMG_8824_EK          IMG_8825_EK IMG_8826_EK          IMG_8827_EK          IMG_8822_EK

Kami’y wala pang kapaguran at gusto naman naming sumakay sa may pagka-sweet na ride. Sa kabutihang palad, tabi lang naman ng Jungle Log ang Swan Lake. Kaya naisipin na rin namin itong sakyan, mejo marami ng nakapila noon, kaya’t naghintay kami ng ilang minuto bago makakuha ng sarili naming Swan. Ito rin ay isa sa mga hinding hindi namin malilimutan na ride na kasama ko ang honey ko, dahil imbes na sweetness ang mangyari samin ay naging sweatness, kasi nahirapan kaming i-operate ang sasakyan naming swan. Tapos, tirik pa ang araw, natatawa nalang kami ng honey ko dito dahil hindi namin ma-operate ng maayos tong swan. Hindi siya sumusunod sa pag control namin. Sira yata ang nasakyan namin dahil hindi sumusunod ang swan sa gusto naming daan. Siguro, pwede ko siyang mai-recommend sa inyo na sakyan kung mejo wala ng araw o pag palubog na ang araw.

IMG_8828_EK    IMG_8829_EK

After ng ilang minutong pahinga, naglakad lakad kami, at naisipan naming maglaro ng games at pag nanalo may certain stuff toys kang makukuha depende sa anong nakuha mo. Ayun. Ang premyo namin ay ito:

IMG_8950_EK        IMG_8842_EKIMG_8839_EK    IMG_8840_EK

Sa araw naring iyon, kami’y umattend sa holy mass sa loob ng Eldar’s Tent. Isa rin tong opportunity na makapag pasalamat sa ating Panginoon dahil nananatili paring matatag ang samahan namin ng honey ko, sa nakaraang apat na taon. Thank you Lord for giving us strong relationship. And continue to guide and bless us with your words.

IMG_8848_EK        IMG_8844_EK IMG_8849_EK        IMG_8846_EK

After magsimba at ienjoy ang pag lilibot, naisipan kong sumakay ng Space Shuttle, hindi pa kaya ng honey ko ang tindi ng Space Shuttle kaya’t hindi ko siya nakasama sa pagsakay. Sinubukan kong sakyan ang ride na ito. Kahit na pangatlong beses ko ng nakapunta sa EK, hindi ko parin ito nasusubukan sa kadahilanang bata pa ako noon at mahaba lagi ang pila. Ito na yata ang pinaka nakakalula, pinaka nakakahilo, at pinaka extreme na ride sa Enchanted Kingdom. It’s a must-try ride dito sa EK.

Eto yung Space Shuttle Experience Video ko.

IMG_8854_EK          IMG_8851_EK          IMG_8853_EKIMG_8919_EK

After sumakay sa Space Shuttle, maganda na ang sikat ng araw, it’s now time to appreciate the beautiful sceneries na meron ang Enchanted Kingdom. We took time to have solo pictures sa Brooklyn Place.  Eto na ung mga pictures na pwedeng pang profile pictures namin sa facebook.

IMG_8893_EK          IMG_8886_EK          IMG_8891_EK IMG_8900_EK          IMG_8899_EK          IMG_8866_EK IMG_8879_EK          IMG_8896_EK          IMG_8873_EK

IMG_8906_EK        IMG_8907_EK

IMG_8904_EK        IMG_8908_EK

Napanood din naming mag perform ang Victoria’s Way. Galing!

IMG_8937_EK        IMG_8929_EK IMG_8928_EK        IMG_8932_EK

Nakapanood din kami ng Enchante goes Broadway na ginanap sa Eldar’s Tent. Entertaining!

IMG_8951_EK        IMG_8953_EK

Time check: 6:30 PM.  After naming malibot at maikot ang buong Enchanted Kingdom, we need now to satisfy our hungry tummies. We chose to have our dinner at Amazon Grill. Burppp! Yummy. Especially the chocolate cake. Sweet.

IMG_8957_EK        IMG_8954_EK IMG_8961_EK          IMG_8960_EK          IMG_8963_EK

Pag labas namin ng Amazon Grill, madilim na, may mga lights na ang bawat mga rides, doon mo mas maaappreciate ang ganda ng EK.

Of course, we could not let ourselves na wala kaming pictures sa harap ng Ferris Wheel, ito ay ang Wheel of Fate. Gusto ko sanang itry ito kasama ang honey ko dahil hindi ko parin ito nasakyan ever since na nakapunta ako doon, pero dahil ayaw ng honey ko sumakay dahil nahihilo siya sa nga paikot-ikot na rides, susundin ko. Sa bagay nga naman, baka iluwa lang namin ang kinain namin. Non sense din.

IMG_8971_EK          IMG_8966_EK          IMG_8969_EK

Malapit na matapos ang gabi, picture taking na hanggat di pa ubos ang charge ng dala kong digicam. Click. Pose. Click. Pose.

IMG_8976_EK          IMG_8977_EK          IMG_8983_EK IMG_8980_EK          IMG_8973_EK          IMG_8999_EKIMG_9004_EK          IMG_8988_EK          IMG_9000_EKIMG_8987_EK        IMG_8984_EK IMG_8989_EK (2)          IMG_9001_EK          IMG_9002_EK  IMG_8994_EK       IMG_8993_EK

We also got a chance to watch the Fireworks Display. It means a lot sa amin ng honey ko ang mga Fireworks Display. Kaya’t sa kahit saan man iyang fireworks na iyan, kapag nakita namin, siguradong hihinto at hihinto kami para panoorin namin ito. Pero dito, naumpisahan at natapos namin ito. Amazing!

After fireworks display, meron ding Brooklyn Street Dance and Light Suit Dance na makikita sa harap ng Rialto.

For the record, ang last na nasakyan naming ride ay ang Dodgem (Bumper Cars). Enjoy ito! Bitin. Kulang ang 5 minutes para sobrang mag-enjoy sa ride na ito. Bump. Bump. Bump.

IMG_9007_EK          IMG_9009_EK          IMG_9008_EK  IMG_9013_EK    IMG_9010_EK

Operating hours: 11 AM – 9 PM.

Dumating ng EK at 11 AM  at umalis kami ng EK at exactly 9 PM. Halatang sinulit namin.

Paglabas ng EK, sumakay ng tricycle going to Walter Mart. Then,  tricycle going to Balibago Terminal. Then, FX going to Alabang. Kung gaano kabilis ang byahe papunta sa EK ganoon din kabilis ang byahe pauwi. Kaya’t very convenient ito para sa amin.

My honey and I really enjoyed the fun and experience that we had here. It was a great experience. We will surely get back here soon because “We (Instead of I) love EK” LSS (♩ ♪ ♫ ♬ ) . Sulit na sulit. Mula umaga hanggang gabi, ang aming mga ngiti ay hindi nauubos dahil sa sobrang memorable and unforgettable ang aming pagbisita dito sa Enchanted Kingdom.

Sa susunod Tokyo Disneyland or Disneyland Paris naman hon ah? Anong gusto mong unahin hon? 😀

Hanggang sa muli. Thank you for your time. Sa uulitin! 😀

Advertisements

4 thoughts on “We Love EK

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s