Our First Hike: Mt. Maculot Adventure

It is not the mountain we conquerbut ourselves” – Edmund Hillary 

Date: November 29, 2015

Location: Mt Maculot, Cuenca, Batangas

DSC_0115
Moments to live for. #MtMaculot

 

DSC_0153.jpg
“I enjoyed the view from the top of the Rockies. #MtMaculot” – from my honey’s IG Account

Isang linggo bago kami ng honey ko nakarating sa Mt. Maculot, hindi pa buo ang loob namin para sumama sa Mt. Maculot Day Hike trip ng grupo nina RJ. Nag aalangan. Hindi sigurado. Iniisip na baka mas maganda na magpahinga nalang sa bahay upang makabawi ng tulog (Tama! Matulog ng mahaba. Mahabang mahaba). Baka biglang umulan ng malakas at di kami payagan paakyatin. Wala rin. Maraming mga dahilan. Hindi mabilang. Hindi naglaon, nagiba bigla ang ihip ng hangin. Matapos kong hanapin sa google ang Mt. Maculot, makita ang mga magagandang mga larawan, mag basa ng blogs, at magresearch tungkol dito. Wala naman akong nakikitang masama para di ituloy ang adventure na ito. Sa katunayan, mas nadagdagan ang excitement ko sa katawan nang mabasa ko ang mga blog tungkol sa bundok na ito. Para tuloy nakarating na rin ako sa bundok na ito dahil sa pagbabasa ko palang ay parang nakarating na ko. Base sa aking pagreresearch, ang Mt. Maculot ay isa sa pinakasikat na daytrip destinations. Pinaka popular puntahan lalo na tuwing summer and weekends. Dito mo rin makikita ang impressive and awesome view ng Taal Volcano at Taal Lake at ito ang pangalawa sa pinakamataas na bundok sa Batangas. Salamat sa pagbabahagi niyo ng inyong experiences pinoymountaineer, mrbratpackergeejaytravellog, at sa iba pa. Go check their blogs too. Kaya siguro, eto rin ako ngayon, gustong magbahagi ng aming experience para sa mga susunod na aakyat ng Mt. Maculot ay maging well-informed and aware din sila sa pupuntahan nila.  Kaya’t sa blog ko na ito. Chill lang tayo. Kukuwentuhan ko lang kayo. Ano, umpisa na tayo?

Dahil malapit kami sa Makati, ang pinaka convenient at malapit sa amin na bus terminal papuntang Mt. Maculot ay sa JAM Liner Buendia Terminal. Dito kami magkikita kita ng iba ko pang mga kasama. Sina Ivann, Joy, and Tita Marie. Nakarating kami ng 5:30AM sa mismong terminal. Umaambon. Ang daan ay basa. Dumating kami wala pang available na bus papuntang Cuenca, Batangas. Kami ang nauna sa iba pa naming mga kasama. Naghintay ng ilang minuto. Dumating na ang aming mga kasama. Nakasakay. Pinuno ang bus. At nakaalis na ng 6:25AM. Sa araw na iyon, mas madaling mapuno dahil marami ring papunta sa Mt. Maculot. Hindi naman siguro maikakaila sa porma nila na parehas kami ng patutunguhan. Habang nasa biyahe. Hindi parin tumitila ang ulan. Sa katunayan, lalong lumalakas ito. Halos hindi na namin makita ang langit. Dumidilim. Mas lumalamig sa loob ng bus. Dahilan kung bakit kami nagkaroon ng unang stop over para umihi. Nakakatuwa pa ng nakabalik na ang lahat ng nagsipag-ihian.  Paandar na ang bus. May isang ale na nag lalakad sa gitna ng bus papunta sa pintuan. Dahan dahan na para bang di nagmamadali. Sakto pag andar ng bus. Nasa malapit na sia sa pintuan. Kahit malayo ako nakikita ko parin ang reaksion ng kundoktor na para bang nagtataka na natutuwa. Bakit ngayon lang ito tumayo at iihi kung kailan paalis na ang bus? Iniisip tuloy ito ng kunduktor. Nakaalis na ang bus. Simula na ulit ng byahe.

Nakarating kami sa Barangay Cuenca ng 8AM. Basa parin ang daan. Umaambon. Mas lumalakas pa. Naghintay at nagpatila ng ulan. Nagiisip na baka di matuloy ito. Dahil maputik, madulas, delikado mag hike ng umuulan at basa ang lupa. Nakasakay ng tricycle papunta sa Registration site at nakarating ng 845AM. Buti nalang natanungan namin ang drayber ng tricycle na si Kuya Eddie Mendez, sinabi nia na “Wala naman bagyo, magpapaakyat sila niyan.” Nabawasan ang aming agam agam. Mukhang matutuloy. Natuwa kami. Wala na talagang makakapigil sa amin. Sa registration site, andun narin ang iba pa naming mga kasama. Labing tatlo kami lahat lahat na magkakasama. Naglista ng mga pangalan. Nag iwan ng ID. Nagbayad at binigyan na kami ng tour guide. Yes! Tuloy na tuloy na nga. Unti-unti narin tumitila ang ulan. Pangalan ng aming tour guide ay si Antommy “Tom” Abanes. (Hindi ako sigurado sa spelling ng first name niya pero ayan ang pagkakabanggit niya) Dalawang taon na raw siang tour guide at ni minsan, di padaw sia naligaw. Kung sabagay, di naman mahirap tandaan ang trail ng bundok na ito.

Nagsimula kaming umakyat ng 9AM mula sa jump-off. Unti-unti narin tumitila ang ulan. Sumasang ayon na ang langit. Matapos naming pagusapan at mapagdesisyunan ang aming mga pupuntahan. Napagdesisyunan naming pumunta lamang sa Rockies at Summit. Kung mahaba lamang ang oras pa namin, panigurado mapupuntahan din namin ang Grotto. Simula na ng pagtetrek namin. Nagpakilala ang bawat isa. Maliban kay RJ, eto pa ang mga pangalan ng iba pa naming mga kasama. Bruce, Jerome, Kams, Quimby, Lorraine, Ian, at Jean. Handa naba kami? Konting warm-up naman jan. Warm-up muna tayo. Pero hindi kami nakapag warm-up. Attack na agad. Sugod.

Sa una, madadaanan mo ay concrete roads. Kung pwede nga lang, concrete roads at patag nalang ang lalakaran hanggat makarating sa tuktok. Pero hindi puwede dahil sa lupa tayo dapat tumapak. Wala ng concrete roads paakyat. Siguro, isa sa mga dahilan kung bakit di pwedeng sementado ang daan all the way papuntang tuktok ng kahit anong bundok ay sa kadahilanang dapat maramdaman mo ang lupa. You need to be connected to the land. Pakiramdaman mo ang bawat reaksyon ng mga lupa sa bawat pag tapak ng mga paa mo sa mga ito. Unti-unti nanaming nararamdaman ng honey ko ang pawis na galing sa mga butas ng mukha namin na dumadaloy sa bawat kanto ng mukha namin. Unti-unti nang lumalabas ang mga pawis nadulot ng mga kinain naming mga taba. Araw arawin mo ito, panigurado mabilis ka papayat nang di mo mamamalayan.

Ang bawat daan ay maputik. Unti-unti narin tumitila ang ulan. Thank God! Pero malambot parin ang lupa. Madulas. Bawat isa narin samin ay nadudulas na. Hindi na din mapipigilan eh. Hindi pa naman kami nangangalahati papunta sa camp site pero rinig na rinig na namin ang sarili na hinihingal. Mabilis. Sa kabutihang palad, may mga nagtitinda ng buko juice. Masarap. Nakakapawi ng uhaw. Tip ni Are: Bumili nito kahit isang baso lamang upang kahit papaano ay ang baon mong tubig ay mairereserve mo pa sa mga susunod na oras na kailanganin mo ito.

Iba’t ibang pictures mula sa iba’t ibang resting stations

May nagtitindadin ng Ice Candy. Buko Salad ang flavor. Masarap. Nagyeyelo. Cool. Refreshing. Kumakapit na ang mga putik sa aming mga suot na sandals at sapatos. Dumudulas pa lalo ang daan. Tumataas na ang aming inaakyat. Kinakailangan na din namin  humawak ng lubid upang makaakyat. Nagiging exciting na. Buti nalang, may mga kasama kaming magaling magpatawa at kumanta. Mas mawawala ang pagod at hirap ng dinaraanan mo kung makinig ka muna sa mga banat nila. Hanggang ngayon naaalala ko parin ang mga jokes nila. Tapos sabayan mo ng malakas na tawa. Saka magkakaroon ng tawanan. Laughtrip. Tip ni Are: Trek with your friends and invite as many as you can. Sa ngayon, dahil first time namin itry ito. Hindi pa ako nakapagyaya ng marami. Mas marami mas masaya.

DSC_9846
Ngayon pwede pang makangiti dahil baka mamaya hindi na makangiti dahil sa sobrang pagod. #LikePose #Photobomber

 

DSC_9845
Kapit lang hon. Ingat ka.

 

Nakarating sa camp site ng 11AM. Tama nga sinabi ni Tom. 2 hours ang paakyat. Marami ng mga hikers na nandoon. Yung iba doon na natulog. Yung iba kakarating lang din ngayong araw tulad namin. Dito na kami nagpahinga at kumain. Lunch na. Kainan time. Hindi kami nakapag baon ng honey ko sa kadahilanang alam  naming may makakainan sa camp site. Sabi sa blog na nabasa ko. May sari-sari store sa camp site dubbed as ‘7-11’.

DSC_9886
Sari-sari store sa camp site

Pero dito lang din namin nalaman na lahat ng mga paninda dito ay may kamahalan. Tip ni Are: Magbaon ng sariling pagkain. Mas maganda kung sobra para maishare mo pa sa iba. Dahil kailangan ng aming katawan na kumain. Bumili kami kahit may kamahalan. They gave us no choice but to buy from them. Kumbaga, monopoly ang datingan. Busog pero di busog na busog. Advantage siguro kapag dito ka bibili ay mainit pa ang kakainin mo. Mas nakakagana. Nakakapaso ng dila. Pag katapos kumain, nagpahinga. Nagtanggal ng mga nakakapit na putik sa aming sandals at sapatos at naghanap ng trek pole. May nahanap ako pero maiksi. Okay na un kaysa sa wala.

 

DSC_9900
Magtanggal tanggal din ng putik pag may time.
DSC_0015
Trek poles namin ng honey ko.

Kami dapat ay pupunta sa Rockies pag katapos kumain pero sabi ni Tom, “Unahin natin muna ang summit dahil mahaba pa ang pila sa Rockies”. Sayang nga naman ang oras kung ipipila mo lang ito. Good idea. Nakaalis ng 12NN sa camp site at nag simula na ang aming pag akyat ulit. Isang oras at kalahati lamang mula sa camp site, mararating mo na ang Summit. Habang papunta sa summit. Natatanaw  na namin ang Rockies. Malayo palang kita na. Umiinit na. Nagpapakita na si haring araw. Thank God again. Mas magagamit nanamin ang aming dalang shades at cap. Cool. Astig.

DSC_9903
Natatanaw na namin ang Rockies papuntang Summit.

Sa pagpunta sa summit, mas madulas ang dadaanan, mas mataas, at mas makitid. Tip ni Are: Gumamit ng trek pole o tinatawag ding ikatlong paa ng mga hikers. Mas mabilis ang pagtetrek kung kayo ay gagamit nito.

DSC_0008
Ang aming #RelationshipGoals! Congratulations sa atin honey ko.

Nakarating ng summit sa oras na 1:15PM. Eto na ang tuktok. Kitang kita dito ang breathtaking and jaw-dropping view of Taal Lake and Taal Volcano. Sa tuktok, wala namang ibang makikita kung hindi ang signage na nagwewelcome sa lahat ng hikers na nakaakyat na dito.  Congratulations sa aming grupo! Hooray! Congrats din honey ko ito ang unang bundok na naakyat natin. So cool. It’s now time to appreciate the majestic view from the top. Ilabas na ang camera at mag-selfie, coupfie, groufie, at jump shot. (Dito pwede pang mag-jump shot. Sa Rockies, mukhang malabo kong magagawa.)

DSC_9966DSC_9969

Matapos mag pahinga at magphoto op, bumaba na kami. Kung ano ang way namin paakyat ayun din ang dadaanan namin pababa. Sa kadahilanang hindi kami nag traverse. Mas madali at mas mabilis ang pababa kumpara sa pag akyat. Mapapansin mo na marami ka rin makakasalubong na kapwa mo hikers at mas madalas mong marinig sa kanila ang mga salitang “Ingat po”. Siguro nakasanayan na ng mga hikers pag nagkakasalubongan sila ay naggigreet sa isat isa kahit di sila magkakakilala.

Excited na ang lahat makarating sa Rockies. Pinagpapawisan na kami ng matindi. Hindi maiiwasan ang pananakit ng aming mga paa dahil sa sandals ang aming suot ng honey ko. Tip ni Are: Para maiwasan ang pamamaltos. Mag suot ng sapatos. Nagkamali kami ng bili ng honey ko. Dapat sapatos ang binili namin hindi sandals. Mainam na nalaman namin ito para sa susunod na hike namin alam na namin ang bibilhin.

DSC_0014
“Of all the paths you take in life, make sure a few of them are dirt”

3:15PM na nang kami ay nakarating ng Rockies. 10-15minutes bago makarating sa Rockies mula sa camp site. Konti na lang ang aming water supply. Dalawang litrong tubig lamang ang dala namin. Tip ni Are: Magdala ng atleast 3-4 liters of water o sapat na water supply. Bago makarating sa Rockies, kailangan mong gumamit ng lubid para makadaan dito. Hindi mo na muna kailangan ng trek pole. Ang trek pole na gamit namin ng honey ko ay iniwan muna namin sa isang tabi para mamaya pagbaba ng bundok ay may magagamit pa kami ulit. May dalawa kaming kasama na di pumunta sa Rockies. Kaya’t iniwan muna namin ang aming mga gamit sa kanila. Salamat po. Napagaan ang aming pag akyat papuntang Rockies. Thank God. Sa pag akyat ng Rockies, ikaw ay mag rorock climbing. Mas mahirap ito kumpara sa pagpunta sa Summit. Mas challenging. Eto ang hinahanap ko. Lumalakas ang hangin. Humihirap ang dinadaanan. Mas tumataas ang hinahakbangan. Buti nalang ginaguide kami ni Tom. Kung anong mga kailangan naming tapakan at kung anong side ng paa ang aming gagamitin.

Sa pagkakaalala ko, ako ang pinakahuli nakaakyat ng Rockies. Alam ko kaya ko. Alam ko makakatagal ako. Pero pag akyat na pag akyat ko sa Rockies. Nakakahiya man sabihin. Pero Lulang lula ako. Naramdaman ko ang takot sa pag tingin galing taas patungo sa ibaba. Nakakanginig ng mga binti. Unti-unti nang Lumalakas ang hangin. Bumibilis ang pag hinga ko. Pero nawawala ang takot ko nang makita ko ang honey ko na di natatakot. Cool and Chill lang siya. Ang kasama kong si Ivann. Siya rin nalulula. Hindi rin makatingin sa ibaba. (Nandamay pa ako. Sorry Ivann. Kailangan ko lang ng karamay. Hahaha!) Ang ganda ng view. Sobra. Breathtaking. Nakakalula pag tumingin ka sa ibaba. Kaya’t di na kami nagpahuli. Ilabas na ang camera at mag-selfie, groufie, at coupfie na tayo.

DSC_0147
#RelationshipGoals #HawakKamay
DSC_0169
Ivann and Joy & Are and Madj @ Rockies

Unti-unti nang gusto magpahinga ni haring araw. Kailangan na naming makababa at magmadali patungo sa jump-off. Ang saya. Sobrang kakaiba at bago itong experience na ito samin ng honey ko. This is our first hike together. And I’m pretty sure na marami pa kaming aakyating bundok. Pwede na naming sabihin na “Naakyat at narating na namin ang Summit at Rockies ng Mt. Maculot”. We are very proud of ourselves. Akalain mong nagawa namin iyon. Sabi nga ni Edmund Hillary It is not the mountain we conquerbut ourselves”. Salamat po Lord at nakarating kami sa Summit at Rockies ng matiwasay.  Dami kaming natutunan sa adventure na ito. Dami rin kaming nakilalang bagong mga kaibigan. Mas nakilala namin ng honey ko ang isa’t isa.  Hinding hindi ko makakalimutan ang experience namin dito.

DSC_0151
“How you climb a mountain is more important than reaching the top.” – Yvon Chouinard

Thank you Lord for giving us the opportunity to see one of your beautiful creations, Mt. Maculot. Salamat Mt. Maculot and to all the people who made it all possible. Recommended siyang balik-balikan. ‘til next time Mt. Maculot.

Next Plan: Mt. Pico de Loro this January 2016. Gusto mo bang sumama sa paghike namin? Tara!

Here’s our Mt. Maculot Day Hike Itinerary:

  • 0625 Board Lemery-bound bus from Buendia.
  • 0800 ETA Cuenca Muncipal Hall.
  • 0825 Arrived at Registration Site. Trike to jump-off.
  • 0900 Start Trek.
  • 1100 Arrived at Camp Site. Lunch.
  • 1200 Head to Summit
  • 1315 Arrived at Summit. Take Pictures.
  • 1400 Start to descent from Summit
  • 1500 Back to Camp Site and head to Rockies
  • 1515 Arrived at Rockies. Take Pictures.
  • 1630 Return to Camp Site.
  • 1640 Start to descent from Camp Site
  • 1730 Arrived at Halo-halo Station of Nanay Norma
  • 1750 Start to descent to Herman’s Paliguan
  • 1810 Arrived at Herman’s Paliguan
  • 1845 Start to descent to jump-off and Registration Point
  • 1910 Jeep to SM Lipa Grand Terminal
  • 1955 Board Buendia-bound bus from SM Lipa.
  • 2115 Arrived at LRT Buendia

Our Mt. Maculot Day Hike Budget:

Bus from Buendia Terminal to Lemery: Php117.00

Jeep from Cuenca to SM Lipa: Php25.oo

Bus from SM Lipa to Buendia: Php99.00

Tricycle ride to jump-off point: Php20.00

Tour Guide fee: Php1450.00. Summit and Rockies . Group of 13.

Advertisements

One thought on “Our First Hike: Mt. Maculot Adventure

  1. Pingback: Our Second Mountain Adventure: Mt. Pico de Loro – ARELBERG

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s