Our Second Mountain Adventure: Mt. Pico de Loro

“Courage and perseverance will get you there.”

Date: January 9, 2016

Location: Mt. Pico de Loro, Ternate, Cavite

Kung nabasa mo ang huling blog ko tungkol sa unang paghike namin ng honey ko sa Mt. Maculot, sigurado ako na ang alam mong next naming aakyatin ay ang Mt. Pico de Loro. Pero kung hindi naman, take time to read “Our First Hike: Mt. Maculot Adventure”.

Hindi nga ako nagkamali. Nasundan agad ang una naming hike ng honey ko. At mukhang naa-addict na kami sa ganitong mountain climbing activities. Sino ba namang hindi maa-addict sa pagtuklas sa tinatagong ganda ng Pilipinas? Sino bang hindi maa-addict na makita ang magagandang mga tanawin? Sino rin bang hindi maa-addict sa paglalakbay lalo na’t kasama mo ang taong iyong mahal? (Ang agang kacheezihan introduction palang) Wahhh! Addict na nga ako. Panay addict na nasusulat ko. Patingin na tayo sa doktor hon (Sorry hon, nadamay kita). LOL! Anyway, kung ano man ang iyong kinakaadikan, siguraduhing para sa ikabubuti mo ito. Hehe.

IMG_1191_Pico
Parrot’s Beak and Monolith View from the camp site.

Balik tayo sa Pico de Loro. Ayon sa aking pagreresearch, ang Mt. Pico de Loro ay ang highest peak sa probinsya ng Cavite na may taas na 664+ MASL. Naks hon, naakyat na natin ang highest peak sa Cavite. Highest peak sa Batangas, kailan kaya? Anyway, bukod sa highest peak sa Cavite ang Pico de Loro, dinadayo din ng mga hikers dito ang Monolith, na according sa mga locals, ang Monolith ay part of Batangas and ang Summit or ang tinatawag nilang Parrot’s Beak ay part of Cavite. Cool. Intriguing fact un. Bale pwede kong sabihin na nasa Batangas na ako pagkatapos kong makarating ng Monolith galing Summit. Tama di ba? To know more about Pico de Loro facts and travel guides, you can also visit the pinoymountaineer website.

Since mayroon na tayong short intro sa Pico de Loro, simulan ko na ang pagkukuwento. Handa ka na ba? Eto na.

IMG_1306_Pico_1
Beautiful Monolith view from the Summit

Bukod sa aming dalawa ng honey ko, may mga kasama kami dito sa dayhike trip na ito. Mas marami mas masaya. Just like what I said sa unang blog post ko regarding sa paghihike. Kasama namin ang aming mga friends, professor, and officemates. Ano ang pagkakapare-parehas naming lahat? Lahat kami first time makakarating sa Summit and Monolith ng Pico de Loro. Exciting, kasi lahat kami we don’t know what to expect. Alam lang namin yung mga impormasyon na nababasa naming mga blogs, kuwento ng mga nakapunta na naming mga kaibigan, at larawan na nakikita namin sa internet especially sa instagram. But the truth is di naman lahat tayo pare-parehas ng experience. We need to experience it on our own. Gusto namin makita ito ng malapitan, ma-experience ang pag akyat, at magpapicture sa Summit at Monolith (Kahit na buwis buhay ito para sa amin).

Sa DENR Jump-off kami lahat nagkitakita at naghintayan. Habang naghihintay sa iba pa naming mga kasama, nagalmusal muna kami. At naglibot ng kaunti sa jump-off, nag-ready ng gamit sa pag-akyat, at nagtanung-tanong sa mga locals dun.

Sa kakatanong, may nakuha kaming balita, na sa tagal tagal na daw nagpapaakyat sa bundok, ngayon lang daw unang nagkaroon ng balita na may mga hikers na natuklaw ng ahas. Scary. Ang ahas na sinasabi nila ay nakita sa katabing lamesa at halamanan ng pinag-iistayan namin. Bigla kaming kinabahan pero wala na daw ang ahas na un. Nahuli narin daw. At ang mga biktima, naidala narin diumano sa ospital sa Manila. Nawa’y gumaling pa sila at hindi ito lumala. Tagal din namin nag hintay sa iba pa naming kasama kaya siguro kung anu-ano na ang aming nasasagap na balita.

IMG_1144_Pico
Tour Guide Rates

Optional ang pagkakaroon ng Tour guide. Hindi kailangan. Pero dahil sinabi ko kanina, lahat kami first timers. Kailangan namin ng guide lalo na sa Monolith at pag akyat sa Summit. The truth is, madali lang ang trail. Kaya kung kaya mo naman na walang guide. Mas okay dahil makakatipid ka.

Nakabili din kami ng Trek Pole na gagamitin namin sa pag-akyat. Malaking tulong ito.

Almost 9 o’clock na kaming nakapagstart ng trek (Sa kumpletong itinerary namin, maari lamang tignan sa dulo ng blog na ito). Hindi kami sabay-sabay umakyat, nahati kami sa dalawang grupo. Kami’y nagkita kita na lamang sa may camp site, dahil mayroon pa silang isang kaibigan na hihintayin.

IMG_1171_Pico
with Kuya Eric, ang aming Tour Guide

Si Kuya Eric ang aming tour guide. Sabi niya, limang beses pa lamang syang naka-akyat sa Summit at Monolith sa loob ng dalawang taon. At pang-anim na niya ito sa pag tour guide sa amin. Nakakapagtaka. Siguro dahil di naman talaga siya regular na tour guide. Marami na sigurong umakyat ngayon kaya naubusan ng regular na tour guide para sa mga hikers. Thank you Kuya Eric sa pag gabay samin sa pag-akyat at pagbaba.

Sa nadaanan naming trail meron kaming nadaanang batis, tunog palang ng tubig, nakakarelax na.

Meron kaming kasama, eyesore sa kaniya ang makakita ng mga basura sa dinadaanan namin. Kaya’t tuwing sia ay makakakita ng basura like lagayan ng jelly ace, plastic ng choco-choco, white rabbit candy wrapper, disposable spoon and fork, at marami pang iba, pinupulot niya at nilalagay niya sa plastic na dala dala niya. Good Job Jomel! You’re a hero.

IMG_1178_Pico
Unang rope palang, excited na kami kaagad mag papicture. Sa picture na ito, si Jomel yung may hawak ng transparent garbage plastic.

Nawa’y maging disiplinado po tayong mga hikers. Wag po tayo mag tapon ng basura natin sa bundok. Basura mo, itago mo, at itapon mo sa tamang tapunan. Salamat Jomel. Maging inspirasyon ka sana ng kapwa nating hikers.

Habang papalapit na kami sa camp site, napahinto kami sa kakagawa lang na view deck o watch tower (di pa siguro nila alam kung anong itatawag dito kaya dalawa ang pangalan. Mas maganda siguro kung view deck nalang). Sabi ng aming kasamang guide, kasama siya tumulong mag akyat ng mga bakal at iba pang mga gamit na kailangan para mabuo ang view deck na ito. Dito rin namin unang nasilip ang beautiful view ng Monolith and Summit. Nararamdaman na naming malapit na kami. Yesss! Konti nalang.

Hindi kami tuloy tuloy ang pag-akyat, marami rin kaming stop overs. Bawat stop over, nakukuha pa naming magpalitrato. Patunay na meron kaming stop over. Haha! Hindi naman kami batak na batak sa pag akyat. Chill lang. Makakarating din naman kami sa pupuntahan. Mabagal nga lang. #Hugot

Sa camp site ng Pico de Loro, mapapansin mong ang daming tindahan, daming lamesa, maraming pwedeng gawin, malawak, at masagana na animo’y ang mga tindahan ay magkakakumpetensya. Kumabaga kung ikukumpara mo sa Manila, may 7-eleven, Ministop, at may Family Mart pa. Halos pare-parehas lang sila ng tinitinda. Ang napansin lang namin ay may Halo-halo at Mais con Yelo silang tinda. Refreshing. Pero dahil lunch time na yun at may dala kaming pagkain. Hindi pa muna kami bumili.

Habang nasa camp site kami, kumain narin kami. Dito mo rin unang makikita ang best view ng Monolith at Summit. Time to take pictures muna. Click. Pose. Click. Pose.

Busog na at malakas na ulit. This time, kasama na namin ang isa pa naming kasamang grupo. Ito na. Malapit na kami sa Summit. Mas humihirap ang trail dahil pataas na ito. As a beginner sa pag hihike, kailangan mong magdahan-dahan at maging sigurado sa bawat hakbang mo patungo sa Summit. May mga batong naglalaglagan galing sa Summit kaya’t kailangan mo rin tignan kung may paparating na nahuhulog na bato patungo sa puesto mo. Kapag hindi ka nakailag, panigurado, may black eye ka pag uwi mo sa bahay mo. LOL! Joke lang.

Kailangan mo ring humawak sa lupa, maliliit na bato at mga damo para makaakyat. Magpakahirap ka muna bago mo marating ang Summit. Magiging worth it lahat pag dating mo sa tuktok. Believe me.

It’s time to appreciate the view from the top. This is it honey, nasa tuktok na tayo ng Mt. Pico de Loro. We did it!

IMG_1313_Pico
Kitang-kita sa likod namin ang trail pababa ng Summit.

After namin sa Summit, dumiretso na kami papunta sa Monolith. Ilang minuto lang andun ka na sa paanan ng Monolith. Dito nasayang ang oras namin. Sa paghihintay ng turn namin paakyat. Tutok ang araw sa amin. Buti nalang may isa pang grupo na kasabay din naming naghihintay. Ilang beses na silang nakaakyat ng Summit at Monolith kaya’t tumutulong din sila sa pag guide sa iba pang bumababa at umaakyat na hikers sa Monolith. May mga pasok na jokes sila na sobrang bentang benta lahat sa amin. No dull moments pag sila siguro kasama mong maghike. Atleast, kahit papaano nawala ang konting inip namin sa pag hihintay.

Sa wakas. Eto na. Turn na namin. Aakyat na kami ng Monolith. Kami na. Oo. Aakyat na. Excited na kami. Gusto na namin kapitan agad ang lubid at apakan ang mga bato. Mas nauna ang honey ko makaakyat sa lubid at pagkatapos niya ay ako na.

Eto video namin sa pag-akyat gamit ang lubid papuntang Monolith:

My honey’s turn

My turn

Delikado ang pag-akyat sa Monolith, kaya todo ang pag-iingat namin. Kung fainthearted ka, mas mainam na magpaiwan ka nalang sa Summit. Mas minabuti namin na hintayin ang aming mga guide para safe ang aming pag-akyat. Isang maling hakbang mo lang. Sigurado, hulog ka. Maliit na patag lang ang ibabaw ng Monolith. Hindi ganoon kalaki ang espasyo para ma-accomodate lahat ng mga hikers, kaya hindi kami agad naka-akyat at kailangan naming maghintay na makababa lahat ang mga tao sa ibabaw ng Monolith.

Pero gaano man kahirap at katakot makarating sa Monolith, sulit and worth it lahat ng mga ito dahil sa ganda ng view na makikita mo. Picturesque! Wow! It’s time to take pictures sa breathtaking view from Monolith.

IMG_1399_Pico
We made it again HONEY! Congratulations satin and Thank God we are still ALIVE! #BuwisBuhayAdventure

Ang saya. Di ko akalain na makakaabot at makakarating tayo dito hon. Iba parin ang feeling kapag na-experience mo siya personally. Hindi lang sa mga nababasa at nakikita lang natin. Thank you Lord sa opportunity na binigay mo po sa amin na makarating dito. Tama nga na as long as you have the courage and perseverance, you will get there. Naks! English yun. Kung kaya namin, kaya niyo rin. So, kailan mo paplanuhing pumunta dito?

Ang Mt. Pico de Loro ang pangalawang bundok na na-akyat na namin ng honey ko. This is it. This is our second mountain adventure, honey. And for the record, this is not the end yet. We will continue to hike more mountains (Yung pang beginners lang muna ahh. Hindi pa kami pro like you. Batak ka na eh!) 

IMG_1394_Pico
Discovering wonders of nature is twice exciting when we’re together. #BuwisBuhayAdventure #AreandMadjAdventure

Ang pagbaba namin? Inabot kami ng dilim. For me, these are the main reasons: Hintayan ng mga kasama, Matagal na oras sa pila sa Monolith, at unlimited kodakan (Laging itong kasama, hindi mawawala). Overall experience? 200% Enjoy! Kasi doble ang saya kapag kasama kita, honey. (Cheeziness Overload!)

That’s it guys. Hanggang dito nalang. Hanggang sa muli nating kuwentuhan. Salamat!

Next Plan: Mt. Pamitinan and Mt. Binacayan this February 2016. Gusto mo bang sumama sa paghike namin? Tara!

Here’s our Mt. Pico de Loro Day Hike Itinerary:

  • 0520 ETD Coastal Mall to Ternate, Cavite
  • 0640 ETA Ternate, Cavite Trike
  • 0700 Arrived at Registration Site. DENR
  • 0900 Start Trek.
  • 1100 Arrived at Camp Site. Lunch.
  • 1225 Head to Summit
  • 1250 Arrived at Summit. Take Pictures.
  • 1320 Arrived at waiting area to Monolith
  • 1520 ETA Monolith. Take Pictures
  • 1620 Arrived at Summit from Monolith
  • 1700 Return to Camp Site.
  • 1715 Start to descent from Camp Site
  • 1845 ETA DENR
  • 1917 ETD DENR. Trike to Bus Terminal in Ternate, Cavite
  • 1941 Board Buendia-bound bus from Ternate, Cavite
  • 2100 Arrived at LRT Buendia

Our Mt. Pico de Loro Day Hike Budget: (more than Php800.00 each)

  • Bus from Coastal Mall to Ternate Cavite: Php81.00 each
  • Bus from Ternate, Cavite to LRT Buendia: Php80.00 each
  • Trike from Ternate, Cavite Trike Station: Php85.oo each
  • Tour Guide fee: Php1500.00. Summit and Rockies . Group of 12.
  • Registration Fee: Php25.00 each
Advertisements

One thought on “Our Second Mountain Adventure: Mt. Pico de Loro

  1. Pingback: Top 10 2016 Highlights (A Year Review) – Are & Madj Adventures

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s