Vday Escapade 2016: Daranak Falls

“It doesn’t matter where you are going, it’s who you have beside you.”

Date: February 14, 2016

Location: Daranak Falls, Tanay, Rizal

Occasion: Valentine’s day

Here’s the video compilation of our Daranak Falls Vday Escapade

Isang napakasayang adventure at punong puno ng pagmamahalan ang paglalakbay namin ng honey ko ngayong Vday sa isa sa mga magagandang talon at tanawin sa bayan ng Tanay. Ito ay ang Daranak Falls.

IMG_1878_DaranakFalls

Base sa aking pag reresearch, ang Daranak Falls ay nagmula sa salitang “Dadanak ang dugo” o “Spilling of Blood” sa wikang ingles. Cool. Pangalan palang ay may malalim na itong ibig sabihin. Ano kaya sa tingin mo ang ibig sabihin nito? Totoo kayang may mga dugo ng dumanak dito sa talon na ito? I wonder. Balik tayo sa talon. Ang talon na ito na may taas na 14m ay makikita sa Brgy. Tandang Kutyo ng bayan ng Tanay. Sikat ang lugar na ito dahil ito ay isa sa pinakamagandang falls na malapit sa Metro Manila. Ito rin ay sikat dahil paborito rin itong pinagshoo-shootingan sa iba’t ibang mga pelikula. Lokal man o international. Wedding prenup at predebut photoshoots ay madalas din itong ginagamit na lokasyon.

Hindi kaya nasobrahan na ako sa pag bibigay ng facts tungkol sa Daranak Falls? Sisimulan ko na ang kuwento ko. Are you ready?

Umaga ng February 14. Maganda ang gising ni haring araw. All set and prepared na ang aming mga  gamit ngayong Vday Escapade namin ng honey ko sa Daranak Falls. Pero may mga kulang pa rin kaming mga gamit at pagkain na kailangang bilhin. Kaya’t bago namin simulan ang adventure na ito, dumaan muna kami sa isang sari-sari store para bumili ng aming babauning pagkain tulad ng tubig, tinapay at snacks. First-aid kits tulad ng alcohol at band-aid. Bumili din kami ng mini-tripod para sa digicam na dala namin. Bakit mini-tripod? Obviously, dalawa lang kami ng honey ko sa adventure na ito. Kaya’t mas mainam na mayroon kami nito para mabawas bawasan ang pang-aabala namin sa ibang taong di namin kilala para lamang makapagpapicture. Itong mini-tripod na nabili namin ay maaari din siyang maging monopod. Panalo ito. Swak na swak sa kailangan namin. Galing no? 2-in-1.

Para sa mga di pa nakakaalam, hindi ko naman ito naibahagi pa sa aking ibang blog posts. Ang gamit kong camera sa mga blog posts ko ay galing sa kuha ng digicam kong PowerShot A2300 Canon na nabili namin sa SM Appliance Store, SM Southmall noong August 6, 2012. Naalala ko pa noon ang dahilan kung bakit namin binili ito. Ito ay sa dahilang magse-2nd anniversary na kami noong August 8, 2012 and we are planning to go to somewhere fun and exciting. Noong aming 2nd anniversary, napili namin mag-celebrate sa Manila Ocean Park. At dito na nagsimula ang aming fun and exciting adventures together. And until now, this is still our trusted camera to capture the best pictures we had together. So, there you go. Nawala na ako sa topic. Bigla ko lang kasi naalala. At alam kong makakabili akong bagong camera ngayong taon for our more fun and more exciting activities. Bago man ang camera o hindi. We will still continue exploring and discovering beautiful places God created for us.

Nakasakay kami ng G-Liner Bus going to Tikling Junction around 10:25 AM (for our complete itinerary and budget, please check it at the bottom of this blog post). Umabot ng wala pang isang oras at kalahati ang biyahe namin hanggang Tikling. Tanghali na. Nagutom na kami. Bago kami kumain ng aming lunch, nagtanong muna kami kung saan ang sakayan papunta sa Tanay Public Market.  KFC Taytay ang pinakamalapit na kainan papunta sa sakayan ng jeepney papuntang Tanay Public Market. Kaya’t dito na kami kumain. Vday feels ang KFC Taytay. May mga heart-shaped balloons na may nakasulat na mga sweet messages sa glass wall ng KFC. Busog na kami. Simulan na ulit natin ang biyahe.

Nakasakay na kami ng jeepney going to Tanay Public Market. Nasiraan pa ng break ang jeepney na nasakyan namin kaya’t inilipat kami sa isa pang jeepney going to Tanay Public Market din. Good thing? Sinabi agad ng driver at pinalipat kami agad bago pa magkaroon ng mas malaking aberya. Thank you Lord.

IMG_1825_DaranakFalls
Magparehistro muna dito bago mag-arkila ng tricycle going to Daranak Falls.

Sa Tanay Public Market, bago kami nag-arkila ng tricycle papunta sa Daranak Falls, nag parehistro muna kami sa Tourism Information Center.  Nakausap ang police at ang inatas sa aming tricycle driver / tour guide. We felt very safe and secured sa adventure na ito after the registration process.

IMG_1831_DaranakFalls

Sumakay na kami ng tricycle. Habang nakasakay, nakikipag kuwentuhan kami sa driver / tour guide. Sila kasi ung mga mas nakakaalam sa mga magagandang pwede pang puntahan dito sa Tanay. At nirekomenda niyang pumunta kami sa Mt. Daraitan at Tinipak River. I think, it will happen very soon. Sa ngayon nga nagpaplano na kami. We are planning to go there around April this year. Pass muna kami ngayong March. Siguro.

Well, this is it. Nasa daranak falls na kami. This is what we’ve been waiting for. After almost 3 and half hours na travel time, dito na kami. It’s all worth it. We are now enjoying the beautiful and amazing view of Daranak Falls. Sabi ng honey ko. “O ayan hon, sabi mo kahit makapagselfie ka lang na ang background ay Daranak falls. Ito na yun hon. Eto na!”. Sabay ngiti ako. We definitely enjoyed the view. At yung time na pagpunta namin, perfect time din for us dahil hindi siya ganon kainit. Around 2pm ay nakarating na kami sa loob ng Daranak Falls. We took time to take selfies using our tripod / monopod.

Sa ganda ng lugar na ito, you can say that God really loves us. He created this beautiful place for us. So we can see his Lordship through his creations. Thank God.

IMG_1917_DaranakFalls

Hindi na kami makapaghintay. Kailangan na naming magbabad at maligo. Pero bago kami nagpalit ng aming damit panligo, nilibot muna namin ang lugar. Malawak pala ang lugar. Madulas ang mga daanan. At may dalawang tulay kang makikita. Una sa may entrance ng Daranak Falls. Pangalawa sa malapit sa entrance ng Batlag Falls.

IMG_1998_DaranakFalls

Mayroon ding maliliit  na falls na pwede mo rin pag tambayan. Hindi na kami magtataka na medyo maraming taong pumunta ngayong Valentine’s day. Pero kung ikukumpara mo ito sa isang blog na nabasa ko. Hindi hamak na mas maraming tao noon. Ngayon, pasalamat kami at hindi pa ganoon karaming tao. Hala. Too much introduction na yata ako. Tama na ito. Magpapalit na kami para maligo. Weeew! Let’s all get wet and enjoy the waterfalls. Wooohhh! Tara!

IMG_1938_DaranakFalls

IMG_1954_DaranakFalls

IMG_1941_DaranakFalls

IMG_1959_DaranakFalls

Ang oras ng dating namin ay saktong sakto lang para ma-enjoy at masulit namin ang tubig na dumadaloy sa falls na ito. Hindi ganoon kainit at hindi rin ganoon karaming tao. Pwede ka pang mag-tumbling sa pinuwestuhan namin. Ang sarap mag-pamasahe sa munting falls na pinagpuwesstuhan namin. INSTANT MASSAGE. Simple joy, ika nga. Picture. Click. Pose. Click.

IMG_1923_DaranakFalls

IMG_1932_DaranakFalls

Sinet din namin ang tripod para may kuha kami sa maliit na falls na pinagtambayan namin. Iba talaga ang experience na ito! Lalo na’t kasama mo ang taong mahal mo. Abot langit ang tuwa kapag kasama siya. Pure happiness. Sabi nga sa caption ng video compilation ng Love Trip ng kapwa ko byahaeros na inupload ng Byahe ni Drew sa kanilang facebook page kung saan na-feature ang litrato namin ng honey ko na kuha sa Ilocos. “Travelling is better when we are together”. And this is so true. Way better than travelling solo. Thank you again Biyahe ni Drew for featuring our picture ngayong Valentine’s Day!

That’s it. All good things must come to an end. Malapit na mag alas-singko. Oras na para magsara ang Daranak Falls. Hindi na ito safe kung aabutin pa kami dito ng gabi. We enjoyed it very much. But before we leave, we took our last selfie together with the beautiful view of Daranak Falls. Yey!

IMG_2002_DaranakFalls

Umahon. Nagshower at nagbihis. Ang pagpeprepare namin ay saglit lang dahil wala ng ganong tao. Dahil noong mga bandang hapon mahabang pila ang nadatnan namin sa may shower and rest room pero ngayong uwian wala ng ganong tao. Nakabihis na kami. Dumaan muna kami sa isang souvenir shop sa may malapit sa shower room. Marami din silang mga tinda dito. May mga coin purse, key chains, hats, t-shirts, at iba’t iba pang pwede mong pam-pasalubong. We decided to buy key chains because it’s the cheapest. Well, we’re just being practical. Even though these key chains are small, it gives big memories to us.

Thank you Lord. You gave us the opportunity to see the beautiful and amazing Daranak Falls. Kakaiba ka talaga Lord.

That’s all folks. Dito sa travel namin na ito. Marami kaming mga first time. First time namin magplano ng biglaan. First time namin na pumunta sa bayan ng Rizal. First time namin makapunta sa Falls na kaming dalawa lang. First time din namin mag travel ngayong Vday at sa Daranak Falls ang pinaka unang lugar na pinuntahan namin para i-celebrate ito.

Noong Vday, hindi importante yung lugar kung saan kayo pumunta o nag-celebrate. Ang importante ay magkasama kayo ng taong mahal mo. Your presence is the best gift to someone you love. Sabi nga sa quote na ito “It doesn’t matter where you are going, it’s who you have beside you.” Thank you so much honey ko.

IMG_1892_DaranakFalls

Paniguradong hindi ito ang una’t huling mag-cecelebrate tayo ng Vday honey ko. There are more fun and more exciting adventures coming.

Maraming Salamat Daranak Falls. Sa muli nating pagkikita. 😉

– Are

Here’s our Daranak Falls Vday Escapade Itinerary:

  • 1025 ETD Recto. Ride a bus going to Tikling Junction
  • 1150 ETA Tikling Junction. Lunch at KFC Taytay
  • 1230 ETD Tikling Junction. Ride a jeepney going to Tanay Public Market
  • 1330 ETA Tanay Public Market. Register at Tourism Information. Ride a tricycle going to Daranak Falls
  • 1400 ETA Daranak Falls. Enjoying the view of the falls. Picture taking.
  • 1700 Falls closing time. Time to take shower
  • 1730 ETD Daranak Falls. Ride a tricycle going to Tanay Public Market
  • 1805 ETA Tanay Public Market. Ride a jeepney going to Tikling Junction
  • 1945 ETD Tikling Junction. Ride a bus going to Recto
  • 2115 ETA Recto.

Our Daranak Falls Escapade Budget: (Php600.00 – Php700.00 each)

  • G-liner Bus from Recto to Tikling and vice versa : Php47.00 each
  • Jeepney from Tikling to Tanay Public Market and vice versa : Php40.00 each
  • Tricycle from Tanay Public Market to Daranak Falls and vice versa : Php200.00 one way
  • Daranak Falls Entrance Fee : 50 each (adult)
Advertisements

3 thoughts on “Vday Escapade 2016: Daranak Falls

  1. Pingback: Top 10 2016 Highlights (A Year Review) – Are & Madj Adventures

  2. Pingback: Cavinti Falls (aka Pagsanjan Falls) Adventure: Best Birthday Yet – ARE BERGONIA

  3. Pingback: Twin Hike: Mt. Pamitinan and Mt. Hapunang Banoi – ARELBERG

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s