Twin Hike: Mt. Pamitinan and Mt. Hapunang Banoi

“Two are better than one” – Ecclesiastes 4:9 (NIV)

Date: February 20, 2016

Location: Mt. Pamitinan and Mt. Hapunang Banoi, Rodriguez, Rizal

IMG_2254Pamitinan

Video Compilation of our Twin Hike 

Isang linggo matapos ang Daranak Falls Escapade namin ng honey ko, may schedule naman kami ng akyat ng bundok. Aba. Mukhang sineseryoso na talaga namin ng honey ko ang pagakyat ah. Ito na ang pangatlong bundok na naakyat namin ng honey ko. Teka. May Mali. Dahil nag twin hike kami, Ito na ang pangatlo at pang-apat na bundok na naakyat namin ng honey ko. Ito ay ang mga bundok ng Pamitinan at Hapunang Banoi. Yes. Twin hike kami. Sa kauna-unahang pagkakataon.

Bago ko simulan ang pagkukuwento ng experience namin na ito. Nais ko munang mag- bigay ng short information sa inyo tungkol sa dalawang bundok na ito. Ang Mt. Pamitinan ay may taas na 426+ MASL na may difficulty level na 3/9 samantalang ang Mt. Hapunang Banoi ay may taas na 517+ MASL na may difficulty level na 4/9 (based from the pinoymountaineer website).

Thanks to the following bloggers. You can also visit their blogs about their experiences sa mga bundok na ito.

Kung di dahil sa kanilang mga tips and information sa kanilang mga blogs, hindi kami magkakaroon ng kaalaman about sa twin hike namin na ito. Maraming Salamat ulit.

Meron na tayong short information about these two mountains. Pede ko ng maikuwento ang experience namin. Ready ka na ba?

DSC_0260
Beautiful Sunrise. (Photo Courtesy of Ruth Joy Sta. Maria)

Nakarating kami sa jump-off around 6:45AM (for our complete itinerary and budget, please check it at the bottom of this blog post). Tamang tama lamang para makapag twin hike kami at makita ang magandang view ng sunrise.

IMG_2072Pamitinan

Nagparegister. Pumirma ng waiver. Hinanap ang aming tour guide na si Jason. At nagbayad ng registration fee sa halagang Php. 2.00. Ito na ang pinakamurang registration fee na binayaran ko sa aming pamumundok.

Bago pa man dumating ang araw na ito. May nauna na kaming mga kaibigan na naghike na dito that was two weeks ago. Ito ay ang grupo nila Joy and Ivann. Nakasama na namin sila sa una at pangalawang akyat namin na bundok at iba pang fun run activities. Kami-kami ang nagkakayayaan pag may mga akyat, takbo, at iba pang mga events na mga ganito. Dahil nauna na silang nakaakyat dito, sila’y may nirekomenda para samin. Ang pangalan niya ay si Jason. Hindi na ako magtataka kung bakit nirekomenda nila si Jason para maging tour guide namin. Mabait at responsable siyang tour guide. Halos siya na ang may hawak ng dala dala naming camera all through out the day. 18 years old at IT student. Ginagawa niya itong sideline para pandagdag sa kaniyang allowance at tution fee sa kaniyang eskuwelahan. Maraming Salamat Jason sa pag-gabay at pag-bibigay sa amin ng kaalaman sa mga bundok na inakyat namin.

IMG_2289Pamitinan
with our Tour Guide, Jason.

Kasama na namin ang aming tour guide. Dumaan muna sa munisipyo ng Wawa dam para magparegister ulit at mag iwan any amount for donation.

Handang handa na kami nian. Nag warm-up kahit konti. Pero sa totoo lang, hindi na talaga kami nakapag warm-up. Wala ng warm-up warm-up sugod na kami agad. Sasakit ang katawan kung sasakit. Ito naman ang hinahanap namin sa pamumundok eh. Ang pananakit ng katawan. Hindi. Biro lang. Siguro sanay na kami. Pero for me, very recommended na mag warm-up muna bago sumabak sa pag hihike.

IMG_2084Pamitinan
Group picture muna before we start to hike. (from Left: Cherry Mae, Jelo, Ms. Grace, RJ, my honey, and I)

Nadaanan namin ang hanging bridge na pwede mong matanaw ang magandang view ng bundok ng Pamitinan at Bundok ng Binacayan. Dito mo makikita ang kanilang pagkakahati at sa gitna nito ay ang magandang view ng sunrise.

IMG_2087Pamitinan

Sa ilang minuto pa lamang namin na pag akyat, mejo mataas at malalaki na ang aming mga hakbang dahilan kung bakit mabilis kami mapagod at pagpawisan. Kayat saglit lang. Pwede bang magpahinga muna kahit saglit?. Nadadaanan din namin ang Pamitinan Cave at ang Balete Tree.

IMG_2104Pamitinan

Nakarating na kami sa junction, kung saan base sa kaniyang meaning, ang junction ay lugar kung saan may dalawang bagay o lugar na magkadugtong. Sa pagkakataon na ito, ang magkadugtong na lugar sa junction na ito ay ang dalawang bundok na inakyat namin. Ito ay ang patungo sa summit ng Mt. Pamitinan at summit din ng Mt. Hapunang Banoi.

IMG_2111Pamitinan

Pagkatapos ng konting pahinga sa junction, kami’y tumungo na papunta sa daanan sa Summit ng Mt. Pamitinan.

Mt. Pamitinan ang bundok na aming inuna. Sa totoo lang, unti-unti na namin napapansin ang mga batong nadadaanan namin ay pakipot na ng pakipot, patarik na ng patarik, at higit sa lahat, nakakatusok at nakakasugat na ang mga batong inaapakan namin. Kumbaga, kakaiba siya sa una at pangalawang bundok na naakyat na namin ng honey. Siguro pasalamat nalang talaga kami meron kaming dala dala at mga nabiling mga gloves para sa protection ng aming mga kamay. At kung mejo manipis ang iniong mga suot na sapatos o tsinelas, naku panigurado, malaki ang chance na mabutas o masira ang sapatos mo, kaya’t mas mainam na pang-hike na shoes ang suotin sa bundok na ito. Pero pasaway parin kami ng honey ko. Dahil di pa kami nakakabili ng pang hike na sapatos at nakikita pa namin na maayos pa ang aming mga sapatos na pinang-aakyat, tuloy lang ang pagakyat. Pasaway pa rin kami. Walang problema sa amin.

Sa first peak ang aming unang stopover para makapag selfie, coufie at groufie, at higit sa lahat makapag papicture ng buwis buhay pose. Kaya’t here are our buwis buhay pictures.

DSC_0485
Inspired from The Creation of Adam by Michaelangelo Painting at the Sistine Chapel (Photo Courtesy of Ruth Joy Sta. Maria)

 

DSC_0392
(Photo Courtesy of Ruth Joy Sta. Maria)
DSC_0471
(Photo Courtesy of Ruth Joy Sta. Maria)

Pagkatapos ng ilang minuto para makapag papicture, eto na. Natatanaw na ba namin? Hindi ko pa alam. Pero malapit na daw kami sa Summit. Yes! Konti nalang. Ayon. Nakarating na kami sa summit. Ilang hakbang nalang summit na kami. Natatanaw na namin ang pinakatuktok ng Mt. Pamitinan pero dahil sobrang daming tao at nakapila, mas pinili na lamang namin na di na tumuloy sa pinakatuktok. Isa din sa dahilan ay mag tu-twin hike pa kami at iniisip din namin ang oras para makaabot naman kami sa isa pang tuktok ng bundok nang hindi ginagabi. Kaya’t eto na ang aming mga pictures sa summit ng Mt. Pamitinan. May overlooking view ng bundok ng Hapunang Banoi.

IMG_2186Pamitinan

IMG_2204Pamitinan

IMG_2195Pamitinan

Nakababa na kami ng summit. We took our lunch sa junction. Gutom na kami. Yes! Pagkain. Kakain na (Isigaw na natin. Excited na kami kumain). Kailangan na namin maibalik ang aming energy kaya’t kailangan na namin kumain. Burpp! Tapos na kami kumain. Bilis no?

DSC_0554.JPG
Lunch time. (Photo Courtesy of Ruth Joy Sta. Maria)

Matapos naming makapag-pahinga. We chose Mt. Hapunang Banoi. Base sa aming tour guide, Sa tatlong bundok na makikita at pwedeng akyatin sa Rodriguez, Rizal, ang pinaka madaling akyatin ay ang bundok ng Pamitinan. At ang bundok naman ng Hapunang Banoi ay ang pinaka mahirap akyatin. Well, we’ll see.

Tinungo na namin ang way papunta sa Mt. Hapunang Banoi. Tangahaling tapat. Dahil bumalik na ang lakas namin, madali nalang para simulan ulit ang pag akyat. Pero kakaunti nalang ang mga dala naming mga tubig. Konti nalang din ang mga hikers na nakakasalubong namin.

Nararamdaman na namin na pahirap na ng pahirap. Mas matutulis at mas makikitid ang dadaanang mga bato. Iba ang hirap ng pag akyat dito sa Hapunang Banoi. Tama nga ang aming tour guide. Ito na nga yata ang pinakamahirap sa tatlong bundok na nabanggit ko kanina. Pinagpatuloy na namin ang pag akyat. Binibilisan dahil hinahabol din namin ang oras at baka maabutan pa kami ng dilim. Hinahabol na din namin ang aming mga hininga. At mas humihirap na ang trail. Konting pahinga lang muna. Saglit lang. Ilang minuto pa ay nadaanan pa namin ang first and second peak ng Mt. Hapunang Banoi. Picture muna. Kahit hindi na kami makatingin sa ibaba nang hindi nanginginig ang aming mga tuhod.

IMG_2250Pamitinan

IMG_2223Pamitinan

Yes malapit na kami. Habang papalapit kami sa tuktok, mas naeexcite kami kung anong itsura ng tuktok. Sa totoo lang, bago dumating ang araw na ito. Ang bundok ng Pamitinan at bundok ng Binacayan lamang ang na-research ko. Wala doon ang Hapunang Banoi. Kaya’t excited din kami ng honey ko makita ang tuktok ng bundok na ito.

IMG_2252Pamitinan

Yes! This is it! Eto na ang mag-kukumpleto ng aming twin hike. Ang makaayat sa ikalawang bundok sa araw na ito. Nakarating na kami sa tuktok ng Hapunang Banoi. Sobrang sarap ng feeling. Para sa amin ng honey ko, itong bundok ng Hapunang Banoi ang pinaka madugo, pinaka nakakasugat at pinaka mahirap na inakyat pa lang namin ng honey ko. Hindi namin inaasahan ang tuktok na ito. Kahit sa tuktok. Pahirapan. Hindi patag. Kung gaano nakakatusok ang mga limestone habang kami ay paakyat ay ganoon din ang tuktok. Walang pagkakaiba.

Thank you  Lord. Mahirap man makarating dito sa tuktok na ito. Binigyan mo parin kami ng lakas at determinasyon para makarating dito. Iba ka talaga Lord.

IMG_2256Pamitinan

IMG_2254Pamitinan

Imagination vs. Reality:

Imagination: February 6, 2016. Twin Hike. Mt. Pamitinan and Mt. Binacayan. 15 persons. Ivann and Joy’s group. My group together with my colleagues, my friends in college, and my honey (syempre hindi mawawala).

Reality: February 20, 2016. Twin Hike. Mt. Pamitinan and Mt. Hapunang Banoi. 6 persons. My colleagues namely Ms. Grace (pangalawang beses na namin siyang nakasama sa pag-akyat, una sa Mt. Pico de Loro at ito na ang pangalawa.) RJ (pangalawa na rin namin siyang nakakasama sa pag-akyat, una sa Mt. Maculot at pangalawa na  ito.) At ang bagong hatak sa grupo ng mga professional hikers (newbie palang pala) ay sina Jelo and Chem (first time namin sila makasama sa pag-akyat kaya’t masaya kami na nakasama sila.)

IMG_2258Pamitinan

Hindi man kami natuloy sa unang plano, nabigyan naman kami ng pagkakataon na matuloy pa rin ito. Maraming salamat sa mga nakasama namin ng honey ko sa pag akyat. Kung hindi dahil sa inyo ay hindi magiging mas masaya ang aming pag-akyat. Hanggang sa susunod ulit na pag-akyat. Thank you Ms. Grace, RJ, Chem, and Jelo. Ayan na. Ilang beses na ba kayo na-mention sa blog na ito? Kidding. Pwede na ba tayong maging professional hikers? Ilang bundok pa ba? At anu-ano pang mga bundok kailangan nating akyatin? Dami pa. Di ko pa mabilang.

Sa twin hike namin na ito ng honey ko. Tunay ngang “Two are better than one” – Ecclesiastes 4:9 (NIV). Pag dalawang bundok. Mas exciting dahil dalawang tuktok ang mapupuntahan mo. Iba’t ibang challenges ang mararanasan mo. Mas nakakapagod. Mas matarik. Mas madugo. Gaya ng sinabi ko kanina. Ito ang hinahanap namin. Ang kapaguran. Kung gusto naman namin hindi mapagod, matakot sa heights, at sobrang pagpawisan. Pwede naman kami sa bahay nalang at hindi ang pamumundok ang gagawin namin. Kaya’t para sa amin ng honey ko. Mas nakakapagod mas gusto namin. Kaya’t sa twin hike namin na ito. Sobrang naging fulfilling and rewarding. Hindi lang dahil sa naka dalawang bundok kami sa isang araw, kung hindi dahil mas nakilala namin ang sarili namin na kaya pala namin ito. Kaya palang dalawang bundok sa isang araw. Pagtapos nito, maybe, we need to challenge ourselves again. Tatlong bundok sa isang araw. Kaya kaya? Well. We’ll see. Hindi namin malalaman kung di namin susubukan. Kaya natin yan ‘di ba hon? Basta magkasama tayo hon, walang imposible. Kaya yan! Tayo pa ba?

That’s it guys. Hanggang dito nalang. Hanggang sa muli nating kuwentuhan. Salamat!

Next Plan: Mt. Daraitan this June 2016. Gusto mo bang sumama sa paghike namin? Tara!

Mt. Pamitinan and Mt. Hapunang Banoi Twin Hike Itinerary:

  • 0430 ETD Manila
  • 0500 ETA Cubao
  • 0550 ETD Van to Jump off
  • 0645 ETA jump off. Register names and give donations
  • 0700 Start trek
  • 1015 ETA Summit Mt. Pamitinan
  • 1140 ETA Junction. Lunch.
  • 1230 ETD Junction to Hapunang Banoi
  • 1500 ETA Hapunang Banoi Summit
  • 1515 Descend from Summit
  • 1615 ETA Junction. Rest.
  • 1645 ETD Junction
  • 1720 ETA Jump off. Eat Boodle Fight
  • 1850 ETD Jump off.
  • 2020 ETA Manila

Our Twin Hike Budget: (more than Php700.00 each)

Contact Number:

Jason Pelen (Tour Guide):09472409208

Important Note:

You can also visit the blog post of my colleague, Jelo and his girlfriend, Chem as they also share their experience about our Twin Hike. (www.kuyamis.com)

 

 

Advertisements

7 thoughts on “Twin Hike: Mt. Pamitinan and Mt. Hapunang Banoi

  1. Pingback: Top 10 2016 Highlights (A Year Review) – Are & Madj Adventures

    1. Thank you so much sa info din. Sobrang nakatulong. 🙂 Btw, ayos na ayos din po yung blog mo very helpful sa mga travellers and your photos are very nice. 🙂

      Like

  2. Joy

    Thank you sa pag mention ng pangalan namin ni Ivann 😊😊 Mt. Daraitan next nyo? hmm.. sayang napuntahan na nmin.. pero bigay ko nalang details.. 😊😊

    Liked by 1 person

    1. Yes, Mt. Daraitan kami or Mt. Arayat ako nian. hehe! Salamat. Ask nalang kita kita anong mga details. 😀 Hopefully, sabay sabay ulit tayong akyat nian. Thanks again Joy! (y)

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s