Lunch Date at Kuya J Restaurant

“Iba parin kasi talaga kapag pagkaing pinoy. Damang dama mo ang pagmamahal ng mga luto nila.”

Date: March 19, 2016

Location: Kuya J Restaurant, SM City Manila

This is another Are and Madj Food Venture.

Naalala ko ang huling food trip blog na ginawa ko ay noong sa Zark’s Burger pa. That was 2 years ago.  

Matagal na naming gustong kumain sa Kuya J Restaurant pero ngayon lang kami nabigyan ng pagkakataon na masubukan ito. First time namin ito kumbaga.

Kaya’t eto na. Around 1PM nang kami’y nakarating sa mismong restaurant. Katatapos lang ng honey ko maka apply para sa passport ID niya. Nagpa-sked siya sa DFA NCR-West, SM City Manila. Sa oras nang pagpunta namin, walang gaanong tao. Maluwag ang resto. Masaya pa ang mga crew. Nakangiti. Inalok kami ng table. Pero dahil maaga pa, pwede pa kaming makapili.

Yun. Nakapili na kami. Nakaupo na rin. It’s time to appreciate the place. This place is very peaceful and homey. Yung akala mo nasa bahay ka lang. Pwede ka ring manghiram at magbasa ng book anytime. Kuha ka lang sa bookshelves dyan sa mga nakadisplay. Joke! (Hindi ko natanong kung pwede. Tanong ko nlang pagbalik namin. )

dsc_0927_1

dsc_0931_1

Kailangan na naming umorder. Gutom na eh. Tumingin ng menu at tinanong kung anong mga specialties nila. Marami silang specialties. Ito ay ilan lamang sa kanila.

  • Kuya J’s Bagnet (375.00)
  • Lechon Kawali (235.00-470.00)
  • Kare-Kare (399.00)
  • Kuya J’s Crispy Pata (490.00 – 695.00)
  • Adobo sa Mangga (350.00)
  • Grilled Scallops (230.00)

Based from Kuya J’ Website

dsc_0947_2
Kuya J Restaurant’s Menu

Matapos naming i-deliberate ang kanilang menu, nakapili na kami. Yey! Gutom na din kasi kami eh. Ang nagustuhan namin dito ng honey ko sa Kuya J Restaurant, they served Filipino Cuisine. As far as I can remember, mas gusto namin ng honey ko kumain sa ganitong mga lutuin, mga Lutong Pinoy na Pinoy. Iba parin kasi talaga kapag pagkaing pinoy. Damang dama mo ang pagmamahal ng mga luto nila. Lalo na kapag piyesta. Nakakatakam at lalong nakakagutom. Sensia na. Bigla kong naalala yung mga pagkain sa piyestahan at handaan. Isa na rin sa mga nagpapasarap ng pagkain ay malaman mong ang nagluto ng mga pagkain na ito ay mga kamag-anak mo lalo na siyempre ang mga luto ng mga magulang natin. Damang dama mo talaga na may halong pagmamahal ang kanilang mga lutuin. Panalo talaga.

dsc_0957_1
Biglang tumangos ilong ko dito ah. #LOL

Mabilis lang kaming nakapili, kaya’t eto na ang aming mga inorder:

  • Adobo sa Mangga (350.00)
  • Pancit Canton (165.00)
  • Kuya J’s Fruit Shake Special (95.00)
  • Ripe Mango Shake (85.00)
  • Unlimited Rice (60.00)

The service crew advised us that the serving time is 15-20 mins, so naghintay nalang kami. Okay lang naman sa amin dahil sanay na naman kaming naghihintay eh. #Hugot

dsc_0965_1

dsc_0961_1
Adobo sa Mangga | Rate: 5/5

Dumating na order namin. Yes! Sa wakas. Tara! Kain na tayo. First time namin makakakain ng Adobo sa Mangga kaya’t very curious pa kami kung anong lasa nito. Kaya tinikman na namin. Inaalam kung anong lasa. Kung Hindi ako nagkakamali, lasa siyang lechon paksiw na nilagyan ng sliced hinog na mangga. Nagpadagdag din ng tamis ang mangga kaya’t saktong sakto ang lasa pag pinagsama siya sa lasa ng lechon paksiw. Nanunuot din ang lasa sa laman ng baboy. Tagos siya hanggang laman. Sakto yung lambot ng laman ng baboy. Yung bilang ng hiniwang mangga. Saktong Sakto din. Hindi sumobra hindi kumulang. (Tama na. Hindi naman talaga ako marunong about food commentary. Basta alam ko lang, masarap siya. I’m not the right person para kumilatis ng lasa niya in detailed description. Kaya kain na nalang tayo.) For me, I recommend this food to all the pork lovers out there. You must also try it.

dsc_0972_1
Pancit Canton | Rate: 3/5

Yung pancit canton na inorder namin. Honestly. Para sa akin. Hindi ko siya makitaan ng kaibahan sa mga natikman ko ng Pancit Canton. Pero yung Pancit Canton na ito ay puwedeng ipares sa inorder naming Adobong Mangga. Salty and Sweet. Kaya’t di ka agad magsasawa.

dsc_0977_1
Kuya J’s Fruit Shake Special and Ripe Mango Shake: Rate: 5/5 

Kuya J’s Fruit Shake Special is one of their bestsellers. And also, this is one of our favorites. Sarap eh. Lasang Isa Pa. As per the crew, I asked kung anong mga prutas ang pinaghalo-halo dito sa fruit shake na ito. He said, “pineapple, cantaloupe, kiwi, at iba pang prutas na di ko na maalala.” And also, for the record, ngayon lang kami nakainom ng honey ko ng shake gamit ang mason jar (Huwag niyo nalang ipagkalat ah. First time din namin e) Kaya siguro nagustuhan namin orderin ito.

Buuuurrrp. Done. Finally, Busog na kami. Salamat Kuya J Restaurant. Sa aming pagbabalik, gusto namin subukan ang pinagmamalaki mong Crispy Pata, Bagnet, Kare-Kare, at iba pang di pa namin natitikman.

That’s it guys. Hanggang dito nalang. Hanggang sa muli nating kuwentuhan. Salamat!

–  Are

Our Lunch Date Budget : less than Php900.00

Advertisements

2 thoughts on “Lunch Date at Kuya J Restaurant

  1. Pingback: Top 10 2016 Highlights (A Year Review) – Are & Madj Adventures

  2. Ayna Bergonia

    Grrr.. Grr.. Nakakagutom naman yung ‘Adobo sa Mangga’ menu ni Kuya J. At very interesting yung saktong-saktong bilang ng hiniwang mangga na walang sumobra at walang kumulang.Feeling ko ayun ang kumumpleto sa date nyo.Lols..Salamat sa pagpapatakam,sana makabalik kayo kila Kuya J para kahit sa Blog lang, natitikman ko ang luto ni Kuya J.Grabe mas matindi pa yung mga iniwan nyong putahe,hahaha.Mas masasarap. Good luck sa next date niyo ok.At i-ask mo na rin yung mga books. Thank you sa effort magshare ng mga adventure. Sana next time more romantic naman. Parang wala pa ako nababasa sa mga blog mo na romantic ang theme.Or yung tipong Nadine and James kapag binabasa.More blessings sa inyo and strong relationship on the year ahead.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s