Our Short Stay at the World’s Best Island, Palawan

“Don’t listen to what they say. Go see.”

Date: August 7-9, 2016

Location: Puerto Princesa and El Nido, Palawan

Palawan: World’s Best Island

DSC_2587_Palawan
@ Seven Commando Beach, El Nido, Palawan
DSC_2720_Palawan.jpg
Beautiful Limestone Cliff of Big Lagoon, El Nido, Palawan

Ang Palawan ay isa sa aming dream destinations dahil masasabi naming ang katapat ng pangalan ng P.A.L.A.W.A.N. ay ang salitang P.A.R.A.I.S.O. Ito ay ilan lamang sa mga dahilan. Makikita mo dito ang mayaman nilang marine biodiversity, mala-pulbos na puting buhangin, buhay na buhay na mga corals, iba’t ibang uri ng isda at endangered species, nakakamanghang limestone cliffs,  picture perfect na tanawin kahit saan ka man lumingon, crystal clear blue waters, at malinis na karagatan. Kitang kita mo sa mga larawan

DSC_2715_Palawan
Other Side of Big Lagoon, El Nido, Palawan
DSC_2636_Palawan
Shimizu Island, El Nido, Palawan
DSC_2145_Palawan
Underground River Docking Area, Puerto Princesa, Palawan
DSC_3093_Palawan
Cowrie Island, Honda Bay, Palawan

Ang Palawan Island ay pinangalanan muli bilang “Best Island in the World”Para sa kabuuhang detalye, bisitahin ang website ng Travel & Leisure. Hindi mo rin ito maikakaila dahil kung ikaw po mismo makakarating ng Palawan, paniguradong iboboto mo rin ito. Kaya’t hindi na ako magtataka kung mas dumami pa lalo ang mga bakasyunistang gustong pumunta dito at isa na kami ng honey ko doon. Kaya pinlano na namin ang aming pagpunta. Ika nga, “Don’t listen to what they say. Go see.” Ito na siguro ang pagkakataon upang makita na namin ang sinasabing nilang pinaka magandang island sa Pilipinas at sa buong mundo. Ready na ba kami makita ito? Ready na siyempre! Ano, tara na?

DSC_2681_Palawan
Shimizu Island, El Nido, Palawan

Alam mo ba na hanggang ngayon. Habang sinusulat ko itong article na ito, hindi parin ako makapaniwala na nakarating at nakita na namin ang gandang taglay ng mala-paraisong lugar ng Palawan. Ang bilis lang. Animo’y isang kisapmata lang nangyari ang lahat. Napapikit lang kami, kami’y nasa Palawan na. Isang pikit ulit, balik Manila na kami. Heavy breathing. Matagal naming hinintay pero sobrang saglit lamang nangyari ang lahat. Siguro. Siguro nga. Dahil sa sobra kaming nag-enjoy kaya’t di na namin naalintana ang oras at mga araw na nagdaan. Bitin.

DSC_2570_Palawan
Seven Commando Beach, El Nido, Palawan

Kung hindi ako nagkakamali, ito yung bakasyon namin ng honey ko na pwede naming sabihin na walang oras o minuto na nahuli namin ang sarili naming sumimangot. Good vibes lang kami. We are taking everything positively. Wala dapat makasira ng positive vibes namin. Kahit na maulan at bumabagyo sa karatig na bansa at natatamaan pa rin tayo ng ulan na dulot ng hanging dala ng bagyo na meron sila. Okay lang, natuloy naman ang tour at hindi na-cancel.  Kahit na delayed ang flight namin papunta ng PPS at pabalik ng MNL. Okay lang din, nakasakay parin naman kami ng eroplano. Kahit na muntik na akong malunod (Wait, Do I really need to share this to you? Nooo!) dahil sa maling pagtalon ko sa jump board at medyo matagal bago maabot ng mga paa ko ang patag na lugar. Okay lang din ulit, buhay pa naman at nakakahinga pa. Kahit na ilang beses naubusan ng battery charge at memory space ang gopro, mga camera na dala namin at natyetyempuhan pa sa climax o sa mga magagandang lugar  ng aming pag-island hopping. Ok lang din, marami din naman kaming magagandang mga kuha at sobra naming na-appreciate ang ganda ng lugar. Nag-enjoy parin kami. Mali pala. S.O.B.R.A. Sobra kaming nag-enjoy. At the end of the day, It’s always your choice. Kami, gaya ng sinabi ko kanina, we chose to take all things positively. Just like what my father’s favorite quote says, “Negative thoughts will not give you positive results.”. 

Kaya’t eto na yung mga ilan sa magagandang kuha namin ng honey ko sa Palawan:

“The only thing that is making you unhappy are your own thoughts.”

DSC_3126_Palawan
I’m having a little snack. #TheGiant @ Cowrie Island, Puerto Princesa, Palawan
DSC_2182_Palawan
@ Underground River Sign Board, Puerto Princesa, Palawan
DSC_3082_Palawan
Sand Castle @ Cowrie Island, Honda Bay
DSC_2983_Palawan
Sila naghahanap palang, kami nakahuli na. Nahuli na namin ang isa’t isa. #NoCheesyLines @ Star Fish Island, Honda Bay
DSC_2606_Palawan
Powdery White Sand @ Seven Commando Beach, El Nido, Palawan
DSC_2701_Palawan
Staring Game @ Big Lagoon, El Nido, Palawan

First Time Game

“Firsts are always special and that it is never forgotten”

Itong buong experience namin sa Palawan masasabi namin ng honey ko na almost lahat ng nangyari at ginawa namin dito ay punung puno ng first timeTara, laro tayo. Eto ang game. Kumpletuhin ang phrase na ito. 

First time namin/ko/niya…

Saka sabihin ang dahilan. Ano, game? Ako na ang una. Game!

  • First time namin mag-Island Hopping together. Dami nga namin pictures sa boat. Hehe!
  • First time  namin sumakay ng Eroplano. Opo. Kami na nahuhuli. Kayo na maraming beses nakasakay ng eroplano. Biro lang po. ✌ Kaya’t di namin alam kung anong exact feeling sa loob ng eroplano hanggang kami na mismo ang nakaexperience. (Atin-atin lang ito ah, walang makakalabas)
  • First time namin gamitin ang GoPro sa ilalim ng tubig. Splasssh! Naalala ko parin pag nilulublob namin ng honey ang GoPro na nabili namin. Wala lang. Nakakamangha lang. Sobrang useful ito.  So far, satisfied ako sa binili naming GoPro .
DSC_2038_Palawan
GoPro Hero 4 Session.
  • May mga activities din kaming first time na-try na sobrang nag enjoy kami. Ito ay ang mga sumusunod :
    • First time namin makita ang Underground River na isa sa New7Wonders of Nature na inanunsiyo sa Zurich noong November 11, 2011 na ipinagmamalaki ng Palawan. 
    • First time namin makakita ng bayawak na buntis o busog lang daw sabi ng tour guide at sea snake na may pattern na stripes at kulay na black and white habang nagssnorkle kami sa Big Lagoon (Lobat na yung GoPro ko noong oras na yun. Kaya wala akong picture ng ahas) DSC_2170_Palawan DSC_2174_Palawan
    • First time namin mag kayaking. This is one of the highlights sa trip namin na ito. Unang una, hindi pa namin alam paano mag-paddle habang nagkakayak sa small lagoon. Ilang beses kami bumabangga. Halos nagiging bump kayak nga ang nangyayari dahil kapwa namin nagkakayak nabubunggo namin. Sorry po. Pero nang natutunan na namin mas lalo namin ito na-enjoy, mas bumibilis na kami, halos kaya na namin makarating sa gusto namin puntahan. Kulang ang mga salita para ilarawan ko kung gaano kami namangha sa sobrang nakakatulalang view na makikita sa small lagoon at kung paano kami sobrang nag enjoy mag-kayak. Ang ganda sa small lagoon. D’ best. Mas nag-padagdag pa ng enjoyment sa adventure namin na ito  yung biglaang buhos ng ulan. Mas lalo naming na-enjoy ito. Ang pagkakayak habang naulan sa small lagoon ay ang most enjoyable experience namin sa Palawan.DSC_2763_Palawan DSC_2761_Palawan
    •  First time namin makahawak ng star fish at makita ang butas butas niya sa ilalim na pwedeng mag trigger sa iyo sa fear of holes mo (trypophobia). Kahit wala naman talaga. Naaalala ko palang, kinikilabutan parin ako.
    • First time namin magsuot ng aqua shoes. Hindi pa namin talaga alam na kailangan ito bago kami pumunta ng Palawan. Pero sa unang araw ng aming tour, ang tour guide namin ni-rerecommend niya na kami ay mag rent ng aqua shoes. Aqua shoes sa El Nido ay mas mura kumpara sa Puerto Princesa. 100 sa El Nido. 150 sa Puerto Princesa. Malaking tulong din ito upang maging proteksyon namin sa mga coral reefs at mga bato batong madadaanan mo habang kami ay nag i-island hopping.                                                                                                             DSC_2884_Palawan
    • First time kong masubukan ang jump board at mag dive sa Luli Island. Well, ito na siguro ang most unforgettable experience ko sa Palawan. To make the story short. Nagkamali ako  ng dive.  Namali ng bagsak at kamuntikan na ako malunod. Alam ko kung paano lumangoy pero sa swimming pool lang. Kailangan ko parin ng life vest kung malalim at nasa dagat. Madali akong mapagod at maubusan ng hininga. alam ko kung paano mag-float sa tubig at mag-freestyle. Kakaturo lang sakin ng tamang way ng pag-freestyle pero saglit lang yun. Nakalimutan ko na din. pero dahil malakas ang loob ko at sinabi ko sa sarili ko na ita-try ko ito dahil gusto ko ng adventure sa Palawan. Sige lang. Hinayaan ko lang ang mga paa ko dalhin ako patungo sa jump board. Wala naman masama kung susubukan. Mahirap na kung pagsisisihan ko pa sa huli. Sinubukan ko. Hindi ko lang na-anticipate ang magiging resulta nito. Napagod kakakaway. Hawak ko pa ang GoPro. Hindi ko na inisip kung lulubog ang GoPro o hindi pero dahil may floater naman ito. Hinayaan ko na. Unti-unti na ako napagod. Pero thank God malapit lang naman yung mababaw na part ng Luli Island. Yes! Kaya ko na. (I will post photos here from my GoPro later)
    • First time naming mag-fish feeding sa dalawang magka-ibang island.  Mas okay sana kung medyo mas malalim ang lugar namin kung saan kami nag-fifish feeding. Sobrang friendly ng mga fish at ang coolest part dito. Makakalapit ang mga fish sa iyo up close and personal. Mas ma-aappreciate mo yung makukulay at iba’t ibang laki ng mga fish. Hindi namin naubos lahat ng binili naming mga tinapay para ipakain dahil may time limit lamang kami. Funniest part dito ay dahil sa sobrang pagod namin magpakain ng fish at mag bilad sa araw. Nagutom kami. Dahilan kung bakit namin nakain ang extra tinapay na dala namin na para sa mga isda. (I will post photos here from my GoPro later)
    • First time namin sumakay sa kakaibang itsura ng tricycle dito sa Palawan. Thank you sa driver ng tricycle na sinakyan namin. Hinatid at sundo kami papunta sa dinner place namin sa Seaside, El Nido hanggang makarating kami sa lodge kung saan kami nag stay overnight. Gabi na. Malakas din ang ulan. At mahirap makahanap ng tricycle papunta at pabalik ng lodge kaya’t mas minabuti na lamang namin na kontratahin ang driver na sunduin kami pagkatapos namin makapag dinner.

      DSC_2469_Palawan
      Tara! Sakay na!
    • First time namin magsnorkle together. May kaunting alon at maulan pero malinaw parin ang ilalim ng tubig. Kitang kita mo ang mayamang marine biodiversity ng Palawan. (I will post photos here from my GoPro later)
  • First time namin makasama ng honey ko sa adventure sina Jep and Ate Anne, my high school best buddy and his wife na schoolmate din namin noong high school ahead lang sia ng isang taon. Fortunately, pwede sila sa araw na na-book namin ang flight na ito. Thanks Jep and Ate Anne! Sa uulitin. Hoping for our next adventure na kasama namin kayo ulit.

    Paano ba yan? Turn mo na! Share mo rin sa amin ang mga first time niyo nang pumunta kayo dito sa Palawan. Feel free to comment and share your Palawan Adventure and I will be very happy to read it all!

Palawan Foodventure

One of the reasons bakit mas naging enjoyable ang experience namin sa Palawan ay dahil sa inihanda ng Palawan sa amin na mga pagkain. Sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi, nasubukan namin ang iba’t ibang pagkain na nagpabusog sa amin. Ilan din dito ay ang pinagmamalaki nilang mga pagkain tulad ng kanilang  mga fresh seafood, tulad ng maya-maya, alimango, hipon, pusit, at iba pa at bago din kami makasakay ng eroplano pabalik natikman din namin ang kanilang crocodile sisig. Cultured ang crocodile na ito. Hindi sia galing sa wild. Para mas lalo pa kayong matakam eto ang mga larawan na magpapatulo ng laway niyo.

Day 1 :

Queen Ann Resto, Sabang

Buffet Restaurant. Lunch right after the  Underground River Tour.

Budget: Complimentary Lunch if you avail Underground River Tour Package

Overall Rating: 3/5

Sea Slugs Restaurant, El Nido

DSC_2442_Palawan

Here, we ordered Grilled Squid, Pork Chop with Fries, Yang Chow rice, and Asparagus Soup

Budget: Php 840.00, Good for 4 persons

Overall Rating: 4.5/5

Day 2 :

Overcomer Lodge

Complimentary breakfast = Longganisa + itlog + plain rice + coffee

Lunch @ Shimizu Island

DSC_2663_Palawan

DSC_2660_Palawan

They served Alimasag, Maya Maya, Pork Chop, Tortang Talong, 2 Sprite soft drinks, Pipino dressing, at marami pang iba. 

Budget: Complimentary Lunch when you avail Island Hopping  Tour A Package

Overall Rating: 5/5

Pares Plaza

Super Pares = Beef pares + siomai + fried rice + iced tea

Super Tapsi =  Tocino + Tapa + fried rice + egg + iced tea

Budget: Php 500.00, good for 4 persons

Overall Rating: 4/5

Day 3 :

Josefina’s Pension

DSC_2828_Palawan

Complimentary Breakfast = hotdog + egg + plain rice + coffee + Hello Chocolate.

Buffet Lunch at Cowrie Island

DSC_3049_Palawan

Our favorites are fried kangkong, coleslaw, hipon at isda

Budget: Complimentary Lunch when you avail Honda Bay Island Hopping Package

Overall Rating: 4/5

Airport Cafe

Dito namin nakain ang pinagmamalaki nilang crocodile sisig. Kung ang tanong mo ay kung anong lasa niya? Ito ang sagot ko pero bigyan muna kita ng short introductory. Bago namin sinubukan, tinanong na namin iyan sa guide namin, pero ang sabi niya. Kung anong lasa niya, ayun daw ang huling kinain ng crocodile na kinain mo. Eh ang lasa ng kinain namin ay lasang tortang talong. Tortang talong ang kinain ng Crocodile. Hindi nila sinabi na vegetarian pala yung crocodile dito sa Palawan.

Budget: 330 good for 4 persons

Overall Rating: 4/5

Solo Pictures

Kung gaano karami ang aming couple pictures, ganun din karami siyempre ang aming solo pictures.  Kaya’t eto na ang aming best solo pictures sa Palawan:

Follow me and Ayoko nga Pose

Thank You Palawan

Ang aming pagbisita sa Palawan ay isa sa pinaka hindi namin malilimutan na experience. Ito na rin kasi ang pinaka mahal (pabulong lang) at pinakamalayo na adventure namin ng honey ko kaya’t kinailangan namin pag-ipunan ito financially at paghandaan physically. Sanay kasi kami na land tours lang na kahit umabot ng 8-11 hours na biyahe ay ok lang sa amin. Gaya ng nabanggit ko kanina na lahat ng naexperience namin dito ay punong puno ng first time. Lalo na’t dito namin sa Palawan idinaos ang aming Ika-anim na anibersaryo ng honey ko. This was the first time we went out of town to celebrate our anniversary at sa Palawan pa namin una itong cinelebrateHappy Anniversary Honey!  Sobra akong nag-eenjoy mag-travel lalo na’t ikaw ang kasama. Nasasabik na ako sa mga susunod pa nating mga travel. I love you so much! (Kitang-kita naman oh hon, inspired akong magsulat

DSC_2927_Palawan

Thank you so much Lord for giving us a very strong relationship and also for giving us another year to celebrate. 

DSC_2982_Palawan

“Happy Anniversary Honey! Sobra akong nag-eenjoy mag-travel lalo na’t ikaw ang kasama. Nasasabik na ako sa mga susunod pa nating mga travel. I love you so much!”

Sadyang maraming yaman ang Palawan na karapat-dapat nating ipagmalaki sa buong mundo. Hindi maikakaila na dito mo makikita ang World’s Best Island. Buhay na buhay ang marine biodiversity. Makikita mo ang iba’t ibang uri at kulay ng mga isda at iba pang endangered species. Friendly ang mga tao. Maraming masasarap na pagkain at iba’t ibang water activities na pwedeng subukan na dito mo lang makikita sa Palawan.

Sa maikling panahon na nagstay kami dito, puro good memories lahat ang maibabaon namin. Thank you Palawan for giving us this one-of-a-kind experience. I’m sure this will not be the first and last na magkikita pa tayo. More Palawan Adventures are coming. 

Thank you Palawan!

DSC_3016_Palawan

DSC_2158_Palawan

DSC_2698_Palawan

That’s it guys. Hanggang dito nalang. Hanggang sa muli nating kuwentuhan. Salamat!

3D2N Palawan Complete Itinerary:

Day 1

  • 0555 – ETA On board Airplane
  • 0632 – ETD going to PPS
  • 0732 – ETA Puerto Princesa Airport
  • 0800 – ETA Meetup with Tour Guide
  • 1000 – ETA Underground River Docking Area
  • 1015 – Start of Underground River Tour
  • 1115 – End of Underground River Tour
  • 1200 – Boat Ride to Sabang Wharf
  • 1215 – Buffet Lunch at Queen Ann Restaurant
  • 1300 – ETD going to Valenciana
  • 1415 – ETA Valenciana. Transfer to Van going to El Nido
  • 1530 – ETA First Stopover
  • 1615 – ETA Second Stopover
  • 1800 – Check-in Overcomer Lodge, El Nido
  • 2000 – ETD Dinner going to Sea Slugs Beach Bar and Restaurant
  • 2200 – ETD Sea Slugs Beach Bar and Restaurant

Day 2

  • 0530 – Wake Up Call
  • 0630 – Breakfast
  • 0900 – ETA El Nido Port
  • 1000 – ETD El Nido Port. Start of Island Hopping
  • 1050 – ETA – Seven Commando Beach
  • 1120 – ETD Seven Commando Beach
  • 1230 – ETA Shimizu Island
  • 1300 – Lunch at Shimizu Island
  • 1400 – ETA Big Lagoon
  • 1420 – Start of Snorkeling
  • 1510 – End of Snorkeling
  • 1530 – ETA Small Lagoon
  • 1620 – ETD Small Lagoo. Heading to El Nido Port
  • 1700 – ETA EL Nido Port
  • 1800 – ETA Overcomer Lodge
  • 1820 – ETD Heading to Puerto Princesa
  • 0000 – ETA Check -in at Josefina’s Pension
  • 0030 – ETA Pares Plaza
  • 0130 – ETA Josefina’s Lodge

Day 3

  • 0630 – Breakfast at Josefina’s Pension
  • 0900 – Start of Honda Bay Island Hopping
  • 0920 – ETA Star Fish Island. Start of Fish Feeding
  • 1000 – ETD Star Fish Island
  • 1030 – ETA Luli Island. Start of Second Fish Feeding. Jump Board Diving.
  • 1130 – ETD Luli Island. Heading to Cowrie Island
  • 1200 – ETA Cowrie Island. Buffet Lunch
  • 1400 – ETD Cowrie Island. Heading to wharf
  • 1600 – Start of Souvenir Hunting
  • 1700 – ETD Josefina’s Pension
  • 1730 – ETA Puerto Princesa Airport
  • 1800 – Dinner at Airport Cafe
  • 1900 – Check-in Airport
  • 2025 – Airplane on-board
  • 2220 – Manila Bound

3D2N Palawan Budget :

  • Package Tour from Lucky Quan Star Travel & Tours: Php 6,200.00 / pax
  • Estimated budget for Food, Souvenir, and other expenses : Php 3,000.00 / pax
  • Estimated AirAsia Roundtrip Airfare: Php 2800.00, good for two persons.

Tour Guides :

  • Day 1 Underground River: Ate Marielle
  • Day 2 El Nido Island Hopping Tour A: Kuya Dexter
  • Day 3 Honda Bay Island Hopping: Ate Jomz 

Note:

I will be uploading our Video Compilation on my Youtube Account regarding our Palawan Adventure! I will keep you posted. Thanks!

Advertisements

One thought on “Our Short Stay at the World’s Best Island, Palawan

  1. Pingback: Top 10 2016 Highlights (A Year Review) – Are & Madj Adventures

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s